Nobyo, inalagaan parin ang naparalisang nobya na naaksidente bago pa sila magkita

Nobyo, inalagaan parin ang naparalisang nobya na naaksidente bago pa sila magkita

- Marami ang humanga sa pagmamahal ng nobyo sa nobya niyang naaksidente bago pa man sila magkita

- Pitong buwan na silang magkasintahan online bago pa man sila magkita ng kanyang nobya na naparalisa dahil sa aksidente

- Tatlong taon nang inaalagaan ng lalaki ang GF at kailanma'y di siya magsasawang arugain ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin sa social media ang nakakaantig na kwento ng pag-ibig na ito ng magkasintahang sina Narawut Phongyen at Patcharaphan Lenkham ng Thailand.

Nalaman ng KAMI na taong 2015 nang magkakilala ang dalawa online.

Dahil sa mayroon namang video call at chat, madali silang nagkapalagayan ng loob hanggang sa nahulog ang loob sa isa't isa.

Umabot ng pitong buwan bago sila nagdesisyong magkita na sa personal.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pebrero ng 2016, handa na ang lahat para sa unang date ng magkasintahan.

Ngunit sa kasamaang palad, naaksidente si Patcharaphan dahilan para di niya makita ang nobyo.

Dahil sa aksidente, naparalisa ang halos kalahati ng katawan niya at di na niya maigalaw ng maayos ang bumaluktot niyang mga kamay.

Inakala niyang di na muling makikita pa ang boyfriend na makakasama na sana niya.

Lingid sa kanyang kaalaman, agad na nagpunta si Narawut sa ospital kung saan siya nagpapagaling.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon napatunayan nito na tunay ang pagmamahal niya. Sa kabila kasi ng napakahirap nitong sitwasyon, pinili pa rin ni Narawut na alagaan at kalingain ang nobyang hindi na nakakagalaw ng maayos.

Mapait man ang kanilang unang pagkikita ngunit ito pala ang simula ng isang tunay na pag-iibigan na di nasusukat sa anyo at estado ng buhay.

Literal na sa hirap at ginhawa, di iniwan ni Narawut ang nobya na kailangang-kailangan siya sa bawat oras.

Sa ngayon, tatlong taon na silang nagsasama at ayon pa kay Narawut hinding-hindi niya iiwan ang nobyang labis niyang minamahal.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel