Grab Philippines, nagsalita na ukol sa pananakit ng 4 pasahero sa kawawang Grab driver

Grab Philippines, nagsalita na ukol sa pananakit ng 4 pasahero sa kawawang Grab driver

- Nag-viral ang video ng apat na pasaherong nanakit sa isang Grab driver

- Dalawa sa kanila ay inaresto na ng pulis

- Nagsalita na ang Grab Philippines ukol sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon ang video ng pananakit ng apat na pasahero sa isang Grab driver dahil hindi niya pinayagang limang tao ang sumakay sa kanyang kotse.

Nalaman ng KAMI na nagbigay na ng statement ukol dito ang Grab Philippines.

Ayon sa Grab, kailangan sumunod ng mga pasahero sa mga patakaran ng kumpanya. Ipinagbabawal ng Grab na lumagpas ng apat ang pasahero dahil itinuturing na itong overloading.

“We wish to reiterate to our Grab community to be mindful and respectful of our standard policies, and to observe responsible use of the Grab platform to ensure safety and security to each and everyone.

“Children, regardless of age, shall be counted as one passenger. In case of accidents, the mandated insurance policy of PAMI and Grab’s third-party insurer only covers the allowable number of passengers in a car,” sinabi ng Grab, ayon sa Manila Bulletin (iniulat ni Alexandria San Juan).

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ang dalawa sa apat na pasaherong nahuli sa video na nananakit ng Grab driver ay inaresto na ng pulis.

Physical injury at malicious mischief ang mga kasong posibleng ipataw laban sa kanila.

Grab Philippines, nagsalita na ukol sa papanakit ng 4 pasahero sa kawawang Grab driver

Images from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nangyari ang insidente sa pagitan ng apat na pasahero at ng Grab driver sa Apollo Street, Barangay Del Monte, Quezon City, noong Lunes.

Ang Grab driver na sinaktan ay si Reynaldo Tugade, 47, na siya ring kumuha ng video ng insidente. Ipinaliwanag ni Tugade na hindi maaaring lumagpas ng apat ang pasahero ng isang Grab car dahil ito ay itinuturing na overloading.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel