Suspek sa kalunos-lunos na sinapit ng GF, nagmatigas! Kaanak nito, kasabwat

Suspek sa kalunos-lunos na sinapit ng GF, nagmatigas! Kaanak nito, kasabwat

- Matapos na mai-ere ang reklamo laban sa lalaking halos pumatay na sa kanyang kinakasama, mabilis na umaksyon ang mga pulis laban dito

- Katulong ang kaibigang itinuturong financer daw nito ay natunton ang lalaki bagamat hindi naaresto dahil wala pang warrant of arrest laban dito

- Ayon sa kaibigan nito na tumayong witness sa kaso, tumanggi raw na sumuko ang suspek at maging ang mga kaanak nito ay nagmatigas din laban sa batas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na umaksyon ang mga awtoridad upang matunton ang suspek na si Ryker Shafer sa kalunos-lunos na sinapit ng nobya nito kamakailan lang.

Matapos mai-ere ang reklamo ng mga kapatid ng biktima na si Danica Nuñez sa programang Aksyon, agad na nakipagtulungan ang sinasabing financer ni Ryker na si Ferdinand Ignacio.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sa isang ulat ng KAMI, si Ferdinand ay una nang pinagdudahan ng mga kaanak ni Danica na posible raw kasabwat ni Ryker na mariin namang itinanggi ng huli.

Anito, kaibigan nito ang nanay ng suspek at itinanggi na mayroon silang relasyon.

Sa katunayan ay tumayo itong witness sa kaso. Inihayag din nito kung ano ang nangyari matapos siyang puntahan ni Ryker noong pagkatapos nitong gawin ang karumal-dumal na krimen.

Ani Ferdinand, una nang sinabi ng suspek na susuko ito sa mga pulis. Isang text message din mula kay Ryker ang ipinakita nito kung saan sinabi ng lalaki na handa siyang sumuko.

Taliwas daw ito sa inasal ni Ryker noong pinuntahan ito ni Ferdinand para kausapin.

Maging ang mga kaanak daw nito ay nagmatigas din na isuko ang suspek.

Dahil wala pang warrant of arrest laban dito ay hindi ito maaresto. Nilinaw din ng awtoridad na maaaring makasuhan ang mga kaanak ni Ryker dahil sa kanilang ginawa.

Sasampahan ng kaso si Ryker sa krimeng ginawa nito sa kinakasama upang ma-isyuhan na ito ng warrant of arrest.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel