Mag-jowang nanakit ng Grab driver sa 1 viral video, 'di pinalagpas ni Tulfo

Mag-jowang nanakit ng Grab driver sa 1 viral video, 'di pinalagpas ni Tulfo

- Matapos i-tag ng mga netizens ang programa ni Raffy Tulfo sa viral video ng pananakit ng magkasintahan sa isang Grab driver, 'di naiwasang uminit ulo ni idol

- Napag-alaman naman na nasampahan na ng kaso ang dalawa at naaresto na rin

- Nilinaw na rin ng Grab Philippines ang tuntunin ng kanilang kompanya kaugnay na rin ng insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalagpas ni Raffy Tulfo ang viral na pananakit ng magkasintahan sa isang Grab driver na nakuhanan ng video.

Sa video, makikita ang isang lalaki na galit na galit na sinugod at pinagmumura ang Grab driver na siya ring kumukuha ng video.

Kita rin ang pagtabig ng isang babae sa cellphone ng biktima.

Nanatili namang kalmado ang biktima sa kabila ng mainit na pagtatalo.

Ayon kay Tulfo, ang mga netizens ang nag-tag sa kanya ng nasabing viral video matapos itong kumalat sa social media.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kinilala ang dalawang suspek na sila Jan Jervie Mercado at ang nobya nito na si Rhea Sangil na parehong kinasuhan ng serious physical injury ng biktima na si Rey Tugade.

Haharap rin si Mercado sa kasong malicious mischief.

Samantala, nilinaw rin ng Grab Philippines ang rules nila kaugnay ng nagyaring insidente.

Ayon sa Grab, sinusunod lamang nila ang rules ng LTFRB kung saan may angkop na bilang lamang ang pasahero.

Nilinaw rin ng Grab na hindi nila driver si Mercado katulad ng sinabi nito sa video.

Malinaw din daw sa video na sinubukan ng biktima na ipaliwanag ang rules ng Grab sa pagsasakay ng pasahero ngunit hindi na ito pinakinggan pa ng suspek at ng pamilya nito.

Samantala, hindi naman pinalagpas ni Tulfo ang inasal ni Mercado at ng kasintahan nito.

Dapat lamang daw na dagdagan pa ang kaso laban kay Mercado lalo pa at may pagbabanta pa raw ito sa biktimang si Tugade.

Binatikos ni Tulfo ang inasal ng mga suspek at talagang hindi nagpapigil sa kanyang mga komento laban sa mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel