Pagsagip ng pulis Maynila sa matandang nahulog sa Pasig River, nahuli-cam

Pagsagip ng pulis Maynila sa matandang nahulog sa Pasig River, nahuli-cam

- Marami muli ang humanga sa mga pulis Maynila matapos mag-viral ang aktwal na pagsagip ng ilan sa kanila sa isang matanda

- Ayon sa isa sa mga post kaugnay nito, nadulas ang matanda at nahulog sa Pasig River

- Wala namang pag-aalinlangang tumalon sa ilog ang isa sa kanila at hindi alintana ang panganib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi matatawaran ang kabayanihang ipinakita ng ilang pulis Maynila sa pagsagip sa isang matandang nalagay sa panganib.

Sa post ng Facebook page ng Manila District Police, kita ang aktwal na pagsagip ng mga pulis sa matandang nahulog sa Pasig River.

Ayon sa post, nagta-trapik sina Police Corporal Romeo Balagtas Jr at Patrolman Lester Magno sa Plaza Sta Cruz nang may mag-report sa kanila at sinabing may nahulog sa Mc Arthur Bridge.

Agad naman daw rumesponde ang dalawa at walang pagaalinlangang lumusong si PCpl Balagtas sa ilog para sagipin ang matanda.

Bagamat mapanganib, hindi nagdalawang-isip ang ating alagad ng batas na magpakita ng kabayanihan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sa kabutihang-palad ligtas namang naiahon ang matanda mula sa ilog.

Makikita pa sa nasabing video nang hugutin ni PCpl Balagtas ang kanyang cellphone at wallet mula sa bulsa ng kanyang uniporme na nabasa dahil sa nangyari.

Ganunpaman, walang makikitang pagsisisi sa ating pulis na isang halimbawa ng tunay na nagmamalasakit at naglilingkod sa bayan.

Dahil dito, kinikilala ng marami ang kanyang kagitingan at patuloy na hinahangaan ng mga netizens.

"Pagpalain k Ng poong maykapal. Mabuting kalooban mabuhay k. Saludo kmi sa iyo. Ang guapo mo pa."

"Salute Sir! Hayan ang mga magigiting nating Pulis nde alintana ang sariling seguridad mkapag lingkod at makapagligtas lang ng nasa panaganib!"

"Good samaritan ...good job poging pulis , salute u sir & god bless."

"Congrats sir Napaka buti mo pogi na mabait pa."

"Salute to the courageus policemen of Manila. More power to both of you! Your courage is worthy of emulation. You should be commended for this deed."

"YAN Ang LESPU! May Malasakit sa Kapwa... May Prinsipyong Maipagmamalaki!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel