Dating OFW, di makapaniwalang niregaluhan siya ng bahay ng kanyang Syrian na amo

Dating OFW, di makapaniwalang niregaluhan siya ng bahay ng kanyang Syrian na amo

- Bahay ang regalo ng amo sa kanyang loyal at masipag na empleyado

- Mahigit anim na buwan nang naninilbihan ito sa kanyang negosyo at nakita niya ang pagsusumikap nito

- Di makapaniwala ang Pinay sa napakagandang biyaya ng kanyang napakabait na Syrian na employer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nakaramdam ng inggit sa dating OFW na si Angel dahil sa regalong kanyang natanggap mula sa kanyang amo.

Sa YouTube video ng amo nitong may vlogger name na The Hungry Syrian Wanderer, binahagi niya kung paano niya sinurpresa ang loyal at masipag niyang empleyado.

Kasabwat ang iba pa nitong kasamahan, pinaghandaan nila ang kaarawan ni Angel.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ngunit ang pinaka-espesyal sa lahat ay ang regalong bahay ng amo sa kanya.

Maluha-luha si Angel at halos di makapaniwala sa mga nangyayari.

Ayon pa sa kanyang amo, mas minabuti niyang ibigay ang bahay kay Angel dahil mas kinakailangan niya ito.

Sa ngayon kasi ay nangungupahan pa rin ang amo ngunit di raw ito alintana sa kanya dahil mahal niya ang Pilipinas at nais niya talagang manatili rito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil alam ng kanyang amo na dating OFW si Angel sa loob ng dalawang taon, ayaw na niyang umalis pa muli ito upang magtrabaho sa ibang bansa.

Bukod sa bahay, balak din ng amo na bigyan si Angel ng mga kagamitan sa bahay.

Tunay na ang kabutihan ng isang tao ay masusuklian din ng umaapaw na kabutihan. Gaya na lamang ng pinakitang dedikasyon sa trabaho ni Angel na nagantimpalaan naman ng kanyang amo na may ginintuang puso.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel