Beki na financer ng suspek sa 1 kalunos-lunos na krimen, nais makaharap ni Tulfo

Beki na financer ng suspek sa 1 kalunos-lunos na krimen, nais makaharap ni Tulfo

-Nais ni Raffy Tulfo na makaharap ang beki na sinasabing financer ng suspek sa kalunos-lunos na sinapit ng isang babae

-Hindi kumbinsido si idol sa sinabi nito na hindi niya alam kung nasaan ang suspek na hanggang ngayon ay tinutugis pa rin ng mga pulis

-Una nang itinanggi nito ang kaugnayan sa pagtatago ng lalaking halos patayin na ang biktima na kinakasama nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi kumbinsido si Raffy Tulfo sa mga naging pahayag ng sinasabing financer ng suspek na si Ryker Shafer.

Una nang naiulat ng KAMI ang sumbong ng mga kapatid ng biktima na si Danica Nuñez, na kritikal ang lagay ngayon matapos paghahampasin ng tubo ni Ryker na kinakasama ng biktima.

Nais ni Tulfo na humarap si Ferdinand Ignacio sa kanilang programa at makipag-ugnayan sa mga kaanak ng biktima at mga awtoridad.

Pumayag naman ito bagamat nag-request pa ito ng oras dahil daw sa mga personal nitong dahilan.

Una pa nitong idinahilan ang kanyang negosyo na siya lang daw ang namamahala.

Hindi daw naniniwala si idol na wala itong alam sa pinagtataguan ng suspek lalo pa ito raw ang tumutulong sa pinansiyal na problema ng lalaki.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sabi pa ng mga kapatid ni Danica, minsan daw silang na-wrong send kay Ferdinand kaugnay ng tubo na ginamit ni Ryker na siyang ebidensya sa krimen.

Sabi pa raw ni Ferdinand na huwag na muna itong ibigay sa mga pulis kung hindi naman hinihingi.

Hinala ng mga kapatid ni Danica, pinagtatakpan lamang nito ang suspek. Kahina-hinala raw kasi ang mga sagot nito sa kanila.

Lalo tuloy tumibay ang hinala ng mga ito laban kay Ferdinand .

Pero mariing itinanggi ng huli ang akusasyon sa kanya, bagamat inamin nito na tinutulungan niya ang suspek sa pinansiyal nitong pangangailangan.

Samantala, napag-alaman din mula sa mga kapatid ni Danica na lulong sa ipinagbabawal na gamot ang suspek.

Nangako naman si Ferdinand na makikipagtulungan para madakip ang suspek na ayon pa dito ay pinagnakawan siya ng alahas na nagkakahalaga ng P100,000.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel