Kakaibang 'TikTok' video ng mag-lola, nagpaluha sa mga netizens

Kakaibang 'TikTok' video ng mag-lola, nagpaluha sa mga netizens

- Marami ang naging emosyonal nang mapanood ang viral na TikTok video ng maglola

- Sa kasamaang palad, pumanaw na ang lola sa video na makikita rin sa nakakaantig ng puso na post

- Sa mismong lugar din kasi ibinurol ang lola kung saan nila ginawa ang sweet na TikTok video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa emosyonal na TikTok video ng apo na si Lyka Lorhen Rosaldo Combalicer kasama ang kanyang lola Enyang.

Binahagi niya ang isa sa masasayang pagkakataong kasama niya ang lola na ngayon at isang alaala na lamang.

Nalaman ng KAMI na pumanaw na ang lola at kung saan pa nila kinunan ng video ang kulitan nilang mag-lola, doon din ito binurol.

Sa kaliwang bahagi ng video, makikita ang apo na emosyonal na nasa kalapit ng labi ng yumaong lola. Sa kanang bahagi nman ng video ang di niya malilimutang video na ginawa niya kasama ang pinakamamahal na lola.

Bakas pa sa TikTok video ang saya ng lola sa paglalambing ng kanyang apo.

May caption ang post na, "The most painful one, I miss you so much lola."

Maging ang mga netizens ay nagsabing di nila napigilang maluha sa nakakadurog ng puso na video na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Naiyaaak din ako eh, Daya kase ni Lola Enyang eh"
"Nakakatuwang pagmasdan ang sweetness ng mag-lola...nakakaluha"
"Hala, bakit ako naiyak... namiss ko rin lola ko!"
"Be strong dear. your lola loves you, Hugs for you"
"At least naranasan mong mahalin ng isang lola na alam kong mahal na mahal mo rin siya."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel