Pinay, kinilala ang katapatan matapos magsauli ng limpak-limpak na pera

Pinay, kinilala ang katapatan matapos magsauli ng limpak-limpak na pera

- Umani ng karangalan ang isang Pinay sa Dubai dahil sa kanyang ipinakitang katapatan

- Ayon sa Instagram post ng Dubai police, nagsauli ng napakalaking halaga ang Pilipina na napulot nito

- Hindi raw nagdalawang-isip ang Pilipina na isauli ang napulot na halaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinilala ang katapatan ng isang Pilipina ngayon sa Dubai matapos itong magpakita ng kahanga-hangang katapatan.

Kinilala itong si Mae Anne Olmidillo, isang Barista sa nasabing bansa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon sa Instagram post ng Dubai police, isinauli ng Pinay ang bag na napulot na may lamang Dh195,000 o katumbas ng P2.75 million.

Mayroon ding mga cheque na nagkakahalaga ng Dh500,000 o P7 million at Dh6,250 o P88,000.

Kasama rin sa bag ang isang cheque book at ilang dokumento.

Sa nasabing post, makikita pa ang Pinay kasama ang ilang Dubai Police na nagtungo sa pinagta-trabahuhan ni Olmidillo para ibigay rito ang isang certificate of recognition.

“When I found the money, hindi po ako nagdalawang isip na ibalik yung pera sa nagma-may-ari. Hindi po akin yun at alam kong may return si God para sa akin. Maraming salamat po," sabi pa ni Olmidillo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa pang article ng KAMI, kinilala rin ang katapatan ng mag-asawang OFW sa Jeddah sa Saudi Arabia matapos magsauli ang mga ito ng malaking halaga na napulot nila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel