Guro na naglalako pa rin ng tubig 'pag walang klase, inspirasyon sa marami

Guro na naglalako pa rin ng tubig 'pag walang klase, inspirasyon sa marami

- Di ikinahihiya ng gurong si Teacher Dodoy ang dati niyang pinagkakakitaan bago siya maging isang ganap na guro

- Ang pagbebenta ng tubig sa daan ang ikinabubuhay nila noon ng kanyang ina at ito rin ang ginamit nilang pantustos sa kanyang pag-aaral

- At kahit isa na siyang guro sa high school, tinutulungan pa rin niya ang kanyang ina na magtinda ng inumin sa kalsada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang nag-viral si JayKummer "Dodoy" Teberio dahil sa pagtitinda niya ng mga bottled drinks sa kalsada nang naka-costume pa.

Ginagawa ito ni Dodoy upang makatulong sa ina sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Nalaman ng KAMI na ang pagbebenta rin ng inumin ang pinantustos ni Dodoy sa kanyang pagkokolehiyo.

Ayon sa CDN Digital, nakapagtapos na siya ng ng pag-aaral at sa edad na 24, isa na siyang guro ng high school.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ngunit ang mas nakamamangha kay Dodoy ay ang patuloy pa rin niyang pagtitinda sa kalsada kasama ang kanyang ina.

Kwento pa niya, di siya titigil sa gawaing ito bilang tulong sa kanyang masipag na ina at bilang pagbabalik tanaw sa kung ano ang nakatulong upang maabot niya ang kung anuman siya ngayon.

Tuwing walang klase, nagdadamit pa rin siya ng mga agaw-pansing kasuotan at nagbibilad pa rin sa init ng araw para makabenta ng inumin sa mga motorista.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ginagawa pa rin niya ito upang magsilbing inspirasyon na rin sa mga tulad niyang nagmula sa hirap ngunit di nawalan ng pag-asa upang makamit ang tagumpay.

Bukod pa rito, naiimbitahan na rin si Teacher Dodoy sa iba't-ibang lugar upang magbigay ng motivational talks lalo na sa kabataan.

Payo niya sa mga ito, darating talaga sa buhay ang hirap at pagsubok ngunit lagi raw tatandaan na walang magandang bagay na basta-basta lamang nakukuha sa madaliang proseso. Nararapat lamang na ito rin ay paghirapan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel