BFF na pinagselosan ng misis sa viral post, nagsiwalat ng saloobin

BFF na pinagselosan ng misis sa viral post, nagsiwalat ng saloobin

- Nag-viral ang post ng netizen na may pangalang Raine Alex Marasigan kung saan naglabas ito ng sama ng loob sa mister na nangibang bansa kasama ang 'best friend' na babae

- Matapos ang dalawang araw na pananahimik, minabuti nang magsalita ng 'bff' ng mister upang magbigay linaw sa mga totoong nangyayari

- Nagbunyag pa ito ng impormasyong tila taliwas sa binahagi ng 'misis'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ng sinasabing dummy account na may pangalang Raine Alex Marasigan.

Ito ay tungkol sa hinaing ng misis sa mister nito na nahuli niya di umanong nagpunta sa Bali, Indonesia kasama ang sinasabi nitong matalik na kaibigang babae.

Wala raw itong kaalam-alam na ang kanyang mister ay nasa Indonesia gayung ang alam niya'y isa itong OFW sa Malaysia.

Nagulat na lamang siya nang sabihin ng kanyang mga kaibigan na nakita ang mister, kasama ang BFF nito na "nag-a-unwind." sa ibang bansa.

Tila sumabog na raw ang saloobin ng misis kaya naman binahagi niya ito sa social media na mabilis namang nag-viral.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Dalawang araw mula nang umagaw ng atensyon ang post na ito ni Raine ay naglabas na ng pahayag ang sinasabing BFF na si Apple Jee Anne Almoroto.

Nilinaw niya ang bawat akusasyong nabitawan ni Raine tungkol sa kanya at sa mister nito.

Una niyang nilinaw na hindi lamang silang dalawa ang nasa Indonesia sa lakad na iyon.

May ilang kaibigan sana silang kasama ngunit di tumugma ang mga schedule ng mga ito sa itinakda nila.

Gayunpaman, di pa rin sila naiwan na sila lamang dalawa. Kasama nila ang kaibigan din ni Apple na si Jaypee Botero na makikita rin sa ilan nilang larawan.

Kasama naman ni Jaypee ang dalawa pang kaibigan nito kaya lumalabas na lima silang magkakasama sa lakad na iyon.

Depensa rin ni Jaypee, hindi sila nagkahiwa-hiwalay kaya imposible ang sinasabi ni Raine na sina Apple lamang at kanyang mister ang magkasama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil labis na ring nadihado, naisiwalat tuloy ni Apple ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Raymart, ang tinutukoy na mister ni Raine.

Ayaw raw sanang sabihin ni Apple kung ano talaga ang kasarian ni Raymart ngunit di na raw siya maaring manahimik lamang.

Pinangako naman ni Apple na walang mababago sa kanilang pagkakaibigan.

Matagal na kasi silang magkaibigan nito bago pa man makilala ni Raymart si Raine.

Dahil dito, mas lalong naging usap-usapan ang viral post dahil sa paglilinaw na ito ni Apple.

Marami tuloy ang nagsabing sana raw ay di na lamang ipinahayag pa ni Raine ang saloobin dahil lumalabas ngayon na siya ang tila napahiya.

Samantala, isa ring kaibigan ni Raymart na si Merly Corpin Bestie ang nagsiwalat naman ng pagkatao ni Raine.

Likas na selosa raw si Raine at simula pa lang naman ng relasyon nito kay Raymart ay alam niyang malambot daw ito.

Ayon pa kay Merly, sana raw ay di na humantong pa sa ganito ang isyu kung natuto lamang si Raine na mahalin ang mga taong mahal ng kanyang kinakasama.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel