40-anyos na ginang, sumama sa 25-anyos na kabit; nagmatigas na 'di uuwi

40-anyos na ginang, sumama sa 25-anyos na kabit; nagmatigas na 'di uuwi

- Sa kabila ng pakiusap ng kanyang anak, tumanggi pa rin ang ginang na umuwi na sa kanilang bahay

- Giit pa ng anak nito, nakaka-ilang kabit na ang kanyang nanay

- Maging si Raffy Tulfo hindi nagustuhan ang attitude ng ginang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tumatangis na idinulog ng dalagang si Mery Grace Juntilla ang problema sa kanyang nanay na si Marivic Juntilla na lumayas raw kasama ang kabit nito.

Giit pa ng dalaga, naka-ilang lalaki na ang kanyang nanay kahit pa nananatili itong kasal sa kanilang ama na si Rene Juntilla.

Nang makausap naman ni Raffy Tulfo sa programang Wanted sa Radyo ang ginang, tumanggi na itong umuwi sa tahanan nila.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sabi pa nito, hindi raw sila umalis kung hindi pinalayas sila ng kabit niya ng kanyang ina.

Sabi naman ni Mery Grace nagsisinungaling ang kanyang nanay.

Sa kabila ng pakiusap ni Mery Grace na bumalik na ang nanay nila para na rin sa mga kapatid nitong maliliit pa, nagmatigas na ang ginang.

Gusto pa sana nitong makuha ang mga anak na maliliit ngunit ayon kay Tulfo ay hindi ito kakatigan ng batas lalo pa at umamin naman ito na nagkaroon ng ilang kalaguyo sa kabila ng katotohanang kasal pa ito.

Nais na rin ng nanay nito na si Flora Lautinko at asawa nitong si Rene na makulong na lang ang ginang dahil daw sa pagiging iresponsableng ina.

Giit pa ni Marivic, kaya niyang hiwalayan ang kanyang nobyo ngunit hinding-hindi na ito babalik pa sa poder ng ina sa Samar kung nasaan ang kanyang walong anak.

Nakatakda naman itong humarap sa pamilya nito para mapag-usapan ang kanilang problema.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel