Babae, kalunos-lunos ang inabot sa kamay ng BF na nahuli niyang may kalaguyo

Babae, kalunos-lunos ang inabot sa kamay ng BF na nahuli niyang may kalaguyo

- Kritikal ang lagay ng isang babae matapos itong paghahampasin ng tubo ng kanyang kinakasama

- Ayon sa mga kapatid ng biktima, selos ang naging ugat ng krimen bagamat ang suspek umano ang nahuli ng biktima sa akto

- Nananawagan ngayon ng tulong ang magkakapatid para mahuli na ang suspek na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalunos-lunos ang inabot ng isang babae mula sa kanyang kinakasama na lulong umano sa ipinagbabawal na gamot.

Pinaghahampas ng tubo sa buong katawan at ulo ang ginang sanhi para magkabali-bali ang buto nito at ang bungo nito ay sobrang apektado rin.

Idinulog ng mga kapatid ng biktima na si Danica Nuñez, 26-anyos, ang reklamo ng mga ito laban sa suspek na si Ryker Grieco Shafer, 23-anyos, sa programang Aksyon kung saan nakausap nila si Raffy Tulfo.

Ayon sa magkapatid, nahuli pa raw ng biktima ang suspek na may kasamang ibang babae sa loob ng kanilang kwarto.

Ngunit hindi rin naman daw ito ang unang beses na nahuli ng biktima ang lalaki na may kalaguyo.

Pagkaraan ng ilang araw, September 4, kinontak daw sila ng biktima at sinabing kasama nito ang suspek sa kanilang bahay.

Dahil sa takot na may gawing masama ang lalaki kay Danica, agad daw silang pumunta sa bahay ng mga ito.

Noong una ay mukhang maayos naman daw na nag-uusap ang dalawa bagamat sinabi ni Danica na ayaw na nito talaga kay Ryker.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang makauwi raw sila ay nakatanggap muli sila ng mensahe mula sa suspek at pinapabalikan sa kanila ang biktima at sinabing napatay raw nito.

Ayon pa sa magkapatid, kritikal ang lagay ngayon ni Danica na sasailalim pa sa operasyon.

Ayon pa sa mga kapatid ng biktima, may mga nakapagsabi pa raw sa kanila na matagal nang may planong masama ang suspek dito.

Nananawagan naman ang kaanak ng biktima para mahuli na ang suspek.

Isa sa kanilang pinagdududahan na posible raw na tumutulong sa suspek ay ang hinihinalang karelasyon nito na si Ferdinand Ignacio na nagbibigay raw dito ng pera.

Mariin namang itinanggi ni Ferdinand ang akusasyon na may kinalaman siya sa pagtatago ng suspek.

Handa rin daw itong makipagtulungan sa mga awtoridad para mahuli ang lalaki dahil pinagnakawan pa umano siya nito ng alahas.

Bagamat hindi kumbinsido ang kaanak ni Danica at mismong si Tulfo na wala itong alam sa lokasyon ni Ryker.

Kasalukuyan nang punaghahanap ang suspek ng mga awtoridad.

Nangangailangan rin ng tulong ang ginang para masuportahan ang kanyang pagpapagaling.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel