Tadhana! Nurse at premature baby na inalaagan nito, nagkita pagkaraan ng 28 taon

Tadhana! Nurse at premature baby na inalaagan nito, nagkita pagkaraan ng 28 taon

- Itinadhanang magkita ang nurse at ang premature baby na minsan nitong inalagaan sa parehong ospital kung saan sila unang nagkita

- Pagkaraan ng 28 taon, muling nag-krus ang kanilang landas bilang nurse at doktor na magkasama sa trabaho

- Kakaibang istorya ito na pumukaw sa damdamin ng marami matapos i-post ng ospital sa kanilang FB page ang reunion ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila nakatakda na talagang muling magkita ang isang nurse at ang sanggol na minsan nitong inalagaan, halos tatlong dekada na ang nakakaraan.

Sa Facebook post ng Lucile Packard Children’s Hospital Stanford, ibinahagi nito ang nakaka-touch na reunion ng nurse na si Vilma at pediatric resident na si Brandon Seminatore.

Ayon sa article ng Good Times, inalagaan ni Vilma si Brandon na ipinanganak na premature sa nasabing ospital sa California.

“My parents told me that I needed an incubator to keep me warm, a ventilator to help me breathe, getting endlessly poked and prodded to make sure I was making progress,” kwento ni Brandon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pagkaraan ng 28 taon, muling nagkita ang dalawa sa parehong ospital.

“His last name sounded very familiar when I asked his name,” ani Vilma. “I asked where was he from, and he told me that he was born in San Jose, California and he knew he was a premature baby borned at our hospital.”

Tinanong ni Vilma kung pulis ba ang tatay ni Brandon at kasunod na raw nito ay katahimikan.

Bigla na lang daw tinanong ni Brandon: “Are you Vilma?”

Ayon pa kay Brandon, sinabi raw ng kanyang ina na magtanong tungkol sa nurse na nagngangalang Vilma sa ospital.

Masayang-masaya raw ang mga magulang ng lalaki nang malaman na makakatrabaho niya ang nurse na tumulong sa pag-aalaga sa kanya noon.

Ipinadala pa ng mga ito ang larawan ni Vilma habang karga ang sanggol na si Brandon.

“Meeting Vilma was so surreal. I never thought I would meet a provider who cared for me when I was a baby," sabi pa ni Brandon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel