Employer ng OFW na natagpuang patay sa loob ng freezer, "guilty"

Employer ng OFW na natagpuang patay sa loob ng freezer, "guilty"

- 'Guilty' ang employer na nagawang isilid ang Pinay na si Joanna Demafelis ng buhay sa isang freezer

- Nahaharap sa kasong 'murder' ang employer nito na umamin sa madalas na pananakit sa OFW

- Tumagal ng ilang taon bago nakamit ang hustisya para sa Pinay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

'Guilty' sa kasong murder ang dating employer ng Pinay na natagpuang patay sa isang freezer sa Kuwait.

Ayon sa ABS-CBN News nitong nakaraang taon pa nasa kustodiya ng pulisya ng Syria si Mouna Ali Hassoun, ang babaeng employer ng OFW na si Joanna Demafelis.

Samantala, ang asawa naman nito na si Nader Essam Assaf ay nahaharap na rin sa kasong murder sa Lebanon ayon sa Department of Foreign Affairs.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sa naunang report ng KAMI, umamin ang mag-asawa ng pananakit sa kaawa-awang Pinay.

Pahayag pa ni Nader, buhay pa nang ilagay niya si Demafelis sa freezer. Nagawa niya raw ito dala ng pagkataranta dahil sa matinding pananakit ng kanyang misis sa OFW.

Taong 2014 nang umalis ng bansa si Demafelis patungong Kuwait upang manilbihan bilang domestic helper.

2016 nang mawala ito hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay sa isang freezer noong Pebrero ng nakaraang taon.

Patuloy pa ring makikipagtulungan ang Department of Foreign Affairs sa pamilya ni Demafelis lalo pa at makakamit na nila ang hustisya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel