Guro, pinagmalaki ang estudyanteng imbis na mag-ingay ay nagbabasa ng lang ng bibliya
- Binahagi ng isang guro ang kahanga-hangang ginawa ng kanyang estudyante
- Matapos ang exams, nilabas ng batang babae ang kanyang maliit na bibliya
- Umani ng papuri ang bata na sa murang edad niya'y bibliya na ang hawak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ipinagmalaki ng guro na si Lorelie Uyanib Enriquez ang kanyang estudyante na nagbabasa ng bibliya.
Ayon kay Teacher Lorelie, nagpapa-exam daw siya sa mga bata noon. Napansin niyang tahimik na nagbabasa ang kanyang estudyante.
Tinanong niya ito kung tapos na sapagsasagot at sinabi nitong tapos na nga siya. Na-review na rin niya ang kanyang mga sagot.
Muling tinanong ng guro kung talaga bang nagbabasa ito ng bibliya. Sabi ng bata, imbis na mag-ingay o makipagdaldalan sa katabi, magbabasa na lamang siya ng bibliya.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Katunayan, excited na siyang matapos ang isa na namang chapter nito.
Namangha ang guro na halos di makapaniwala sa ginagawa na ito ng bata.
Ngunit napansin naman daw niyang likas na mabait ang batang ito. Nangangahulugan lamang na isinasabuhay nga nito ang nababasa niya sa bibliya.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Binati rin ng guro ang mga magulang ng bata sa pagpapalaki ng mga ito sa kanilang anak ng maayos.
Dagdag pa ng guro, tila ginamit ng Diyos ang batang ito upang paalalahanan siya na magbasa rin ng bibliya.
Tunay na dapat lamang na pamarisan ang batang ito. Sa murang edad, namumulat na siya sa tamang gawain tulad na lamang ng pagbabasa ng banal na kasulatan.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!
Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh