Video ng mga magsasakang kumakanta habang nagtatanim, agaw eksena sa socmed

Video ng mga magsasakang kumakanta habang nagtatanim, agaw eksena sa socmed

- Viral ang video ng mga magsasaka sa Bataan na kumakanta habang nagtatanim

- Nakakaaliw din ang sabay-sabay nilang galaw sa pagtatanim ng palay

- Maraming netizens ang bumilib sa mga ito ngunit nahaluan din ng awa dahil sa isyung kinahaharap ng mg magsasaka kamakailan lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang nakakaaliw na mga magsasakang kumakanta habang nagtatanim.

Binahagi ang video ng Facebook page na Alamat ni Redford White kung saan umabot na ng halos 100,000 ang views nito.

Nalaman ng KAMI na bukod sa pagkanta, kapansin-pansin din ang sabay-sabay na paggalaw ng mga magsasaka na animo'y nagsasayaw.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sa kabila kasi ng hirap ng kanilang ginagawa ay nakuha pa rin ng mga ito na humanap ng ikasasaya nila kahit tirik na tirik na ang araw.

Ngunit sa kabila ng paghanga, nakaramdam din daw ng lungkot ang ilang netizens na nakapanood ng video ng mga magsasakang ito.

Kamakailan lamang kasi nang lumabas ang nakalulungkot na kalagayan ng mga magsasaka kung saan mas lalo silang nababaon sa pagkakautang.

Sa naunang naibalita ng KAMI, labis na naapektuhan ang mga magsasaka dahil sa Rice Tariffication Law.

Mas lalo raw kasi nilang naramdaman ang hirap dahil dito at mas lalo na silang kinapos sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Kaya naman magkahalong tuwa at awa ang naramdaman ng netizens dahil sa nakuha pa rin ng mga magsasaka na mag-aliw gaya ng pagkanta upang maibsan lamang ang hirap ng kanilang hanapbuhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens:

"May God Bless you all and your Families We Salute all of You. Kayo Ang Mga bagong bayani Ng Pilipinas Salamat Sa Lahat Ng Tulong ninyo!"
"Dapat triple pay yung singer. Hirap magisip kung ano isunod na kanta na nakarythm sa pagtanim kya extra pay sa extra talent.hehe.galing!"
"Saludo poh aqu sa inyong lahat naranasan qu din poh yan bagay sa pag tatanim..at subrang sakit n.a. ng balakang hnd pa rin sumusuko ..napaka hirap n.a. trabaho maghapon sa initan ..godbless poh sa inyong lhat"
"Saludo ako sa inyo at sa lahat ng magsasakang pilipino..mabuhay kayo.."
"Grabe ang hirap nila tas magkano lang kinikita nila..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel