4-anyos na batang lalaki, napabilib ang marami sa galing niyang mag-drums

4-anyos na batang lalaki, napabilib ang marami sa galing niyang mag-drums

- Nag-viral ang isang apat na taong gulang na batang lalaki sa husay nitong tumugtog ng drums

- Wala pang dalawang taong gulang nang mapansin siya ng kanyang mga magulang na pumapalo na at animo'y tumutugtog na ito ng drums

- Dahil sa nag-viral ang video nito, may nagpadala sa kanya ng mini drum set mula sa isang fan sa Singapore

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May 16 million views na ang nakamamanghang video ng batang si Hosea Moneda dahil sa husay nito sa pagtugtog ng drums.

Sa video na binahagi ng kanyang ina na si Ann Baldemor Moneda, makikitang kahit ang improvised drum set lang noon ang gamit niya, kinakitaan na ito ng galing sa pagpalo ng instrumentong ito.

Kwento ng kanyang mga magulang, madalas daw nakatingin si Hosea sa pagtugtog ng drummer sa kanilang simbahan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang sila ay umuwi, panay na ang palo ni Hosea sa mga pinagtabi-tabi nitong upuan na animo'y nagbi-beat box.

At dahil kapansin-pansin ang hilig nito sa pag-drums, iginawa siya ng kanyang ama ng improvised drums na siyang gamit niya sa viral video.

Marami na rin ang taga-hanga ni Hosea. Katunayan, ang isa sa mga ito na mula pa ng Singapore ay nagpadala sa kanya ng mini drum set.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang programang Rated K ay napansin na rin ang talentong ito ni Hosea.

Narito ang kabuuan ng video na nakuha ng KAMI sa YouTube.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel