Inang OFW, nagpanggap na crew ng fast food para sa muling pagkikita nila ng mga anak

Inang OFW, nagpanggap na crew ng fast food para sa muling pagkikita nila ng mga anak

- Nag-viral ang video ng isang OFW na nagpanggap na service crew ng Mang Inasal

- Walang kaalam-alam ang kanyang mga anak na ang nagbibigay na ng pagkain sa kanila ay ang kanila mismong ina

- Maging ang mga netizens ay nadala ang emosyon sa nakakaantig na tagpo ng pagkikita muli ng mag-iina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang emosyonal na video ng isang OFW na sinurpresa ang mga anak sa isang branch ng Mang Inasal.

Sa video na binahagi ng Raffy Tulfo Supporters, makikitang nagpanggap na isang service crew ng nasabing fast food ang ina. May suot lamang itong face mask kaya naman di siya namukhaan agad ng mga anak.

Katunayan, naka-ilang lagay na siya ng pagkain sa kinauupuan ng mga anak ngunit di manlang naghinala ang mga ito.

Ngunit nang tanggalin na niya ang takip sa mukha, agad na bumuhos ang luha nilang mag-iina.

Maging ang mga netizens ay naluha sa emosyonal na pagkikita na ito ng tatlo.

Bakas daw sa luha ng mga bata ang tindi ng pagka-miss nila sa kanilang nanay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Mas nauna tumulo luha ko, Pagdating sa mga anak.. malambot talaga puso ng mga ina..."
" I salute the management NG Mang Inasal...dahil pinapayagan nila Yung mga ganitong pagkakataon na maging bahagi cla sa importanting panyayari sa isang OFW nakasama uli Ang kanilang pamilya.."
"Nakakaiyak ang mga ganitong sinaryo, basta s anak at ina d q mpipigil luha q, dnas q mga ganyang pngyayari ng unang alis q n mlilit p rn ang mga anak q."
"Grabe matigas ako pero nung napanood ko ito, di ko napigilan ang luha ko"
"Ay talaga lang...grabe ang iyak ko..ramdam ko ang asa puso ng mga bata na wala sa tabi ang ina't at ang pagka ina"
"Ahay hndi ko natapos panood npakasakit tulo agad luha ko"

May mahigit 1 million views na ang video na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel