2 opisyal ng punerarya, arestado matapos "i-hostage" ang 1 bangkay

2 opisyal ng punerarya, arestado matapos "i-hostage" ang 1 bangkay

- Arestado ang dalawang opisyal ng isang punerarya sa Maynila matapos nilang "i-hostage" ang isang bangkay

- Ayon sa mga kaanak ng biktima, sinabi ng dalawang suspek na hindi ibibigay ang bangkay kung hindi maibibigay ang release fee na nagkakahalaga ng P360,000

- Naaktuhan ang mga suspek nang magsagawa ng set up ang mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang dalawang opisyal ng Funeraria Cruz matapos nilang ipitin ang release ng isang bangkay.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Rolando Morado, 54 at May Manahan, 49 na operations manager at secretary sa nasabing punerarya sa Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin (Author, Erma Edera), naaresto ang dalawa sa isang entrapment operation.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sabi ni Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Unit Maj. Jhun Ibay, nang puntahan ng mga kaanak ng bangkay sa punerarya, tumanggi ang dalawang suspek na ibigay ito kung hindi ibibigay ang release fee na nagkakahalaga ng P360,000.

Dahil dito, agad na ini-report ng isa sa mga kaanak na si Mirasol Olegenio, 58-anyos, ang insidente sa mga pulis na nagsagawa ng set up.

Nahuli pa sa mga suspek ang P2,000 initial payment na ibinigay ni Olegenio sa mga ito.

Haharap sa kaso ang dalawang suspek dahil sa paglabag sa Article 308 o theft and Article 293 o robbery-extortion of the Revised Penal Code.

Ayon sa ulat, ang bangkay na kinilalang si Marvin Olegenio, 30-anyos, ay nalunod sa San Juan River sa Sta. Mesa, Manila noong September 3.

Iuuwi ito ng mga kaanak sa Tarlac para ihatid sa huling hantungan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel