Viral! Batang magbabalut, nagpupuyat para masuportahan ang pag-aaral

Viral! Batang magbabalut, nagpupuyat para masuportahan ang pag-aaral

-Marami ang napukaw ang damdamin sa grade 7 student na magbabalut matapos itong mag-viral

-Isang netizen ang naka-spot sa bata habang pagod at antok na

-Marami ang humanga sa bata na kalaunan ay nakilala ng marami dahil sa viral post ng netizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dala ng kahirapan ay kinakailangan ng batang si Jerahmeel Dela Cruz ang magtinda ng balut pagkatapos pumasok sa eskwela.

Sa halip na nagpapahinga na ito ay kinakailangan pa nitong kumayod para may pang-suporta sa kanyang pag-aaral.

Ayon sa post ng netizen na si Areane Reanoga Tabalan, nakiusap daw sa kanya ang bata para makiupo sa kanilang silya.

Pagod at antok na rin ang bata ngunit ayaw pa nitong umuwi dahil may natitira pa sa mga balut na kanyang paninda.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon pa sa post ni Tabalan, wala nang nanay ang bata habang may sakit naman ang tatay nito.

"Guys! pasikatin natin ang batang ito para matulungan, lumapit ang batang ito samin para makiupo at magpahinga dahil pagod at antok na antok na daw po sya..

"Nagtitinda sya ng balut para may pambaon sya sa school, wala na daw po syang nanay, ang tatay naman nya ay may sakit kaya sya nagsusumikap, mamayang 7am pa daw pasok nya pero gabing gabi na naglalako pa sya ng balut, Grade 7 na daw po sya..

"Napakasipag ng batang ito at dapat nabibigyang pansin, paki Share na lang po."

Agad itong nag-viral at maraming netizens ang napukaw ang damdamin para rito.

Matapos kumalat ang post, nakilala ang bata dahil sa isa sa mga kapitbahay nito na nag-comment.

Ayon dito, gabi-gabi itong ginagawa ni Jerahmeel para makatulong sa pamilya at para na rin maipagpatuloy ang pag-aaral.

Narito ang post mula sa Facebook post ng Hanep TV:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel