Ilan sa mga presong nakalaya dahil sa GCTA, wala na sa bansa -DILG

Ilan sa mga presong nakalaya dahil sa GCTA, wala na sa bansa -DILG

-Nakatanggap daw ng report si DILG Secretary Eduardo Año na ang ibang mga preso na nakalaya dahil sa GCTA ay wala na sa bansa

-Agad naman nakipag-ugnayan ang PNP sa interpol na handa naman daw tumulong

-Noong Miyerkules, inutos ni President Duterte na bumalik ang mga presong nakalaya sa ilalim ng GCTA kung hindi ay ituturing ang mga itong "takas sa preso"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May nataggap daw na report si Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ang ilan sa mga presong nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ay wala na sa bansa.

Sa panayam dito ng Super Radyo dzBB, sinabi ni Año: “Meron tayong report na natanggap na iyong iba (mga presong napalaya dahil sa GCTA) ay nakalipad na ng ibang bansa."

Ayon sa ulat ng GMA News, nakikipagugnayan na raw ang Philippine National Police (PNP) sa Interpol kaugnay nito.

“Positive naman (ang response ng Interpol). Sabi nila anuman ang maitutulong ng Interpol ay gagawan ng paraan,” ani Año.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ganunpaman, niliwanag din ni Año na mahihirapan sila sa mga bansang walang extradition agreement ang Pilipinas.

“Wala na tayong magagawa doon,” anito.

Noong nakaraang Miyerkules, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik ang mga presong nakalaya dahil sa GCTA at magpa-register sa BuCor sa loob ng 15 na araw.

Mayroon nang ilan ang agad na sumuko.

Sa isang ulat ng KAMI, sinabi ng PNP na handa sila sa utos ng pangulo sakaling hindi sumunod ang presong nakalaya dahil sa GCTA.

Ayon sa Bureau of Corrections, 22,049 na persons deprived of liberty (PDL) ang nakalaya mula 2014 hanggang 2016. 1,914 dito ang nakulong dahil sa heinous crimes.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel