73-anyos na ginang, nanganak sa kauna-unahang pagkakataon ng kambal na baby girl

73-anyos na ginang, nanganak sa kauna-unahang pagkakataon ng kambal na baby girl

-Wala raw kasing saya ang isang mag-asawa sa India matapos ipanganak ng 73-anyos na babae ang kanilang anak na kambal

-Ngunit isang araw pagkaraan nito, na-stroke ang 82-anyos na lalaki at kasalukuyang nasa ospital din

-Matagal na raw pinangarap ng dalawa ang magkaroon ng mga supling kaya naman kumonsulta sila sa iba't-ibang doktor upang ito ay maging posible sa kabila ng kanilang edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na saya raw ang naramdaman ng mag-asawang Mangayamma Yaramati, 73-anyos, at Sitarama Rajarao, 82-anyos, mula sa India matapos ipanganak ang kanilang kambal na anak na parehong babae.

Ayon sa ulat ng BBC, ipinanganak ni Yaramati ang kambal sa pamamagitan ng Caesarean section.

Naging posible ang kanyang pagbubuntis sa tulong ng procedure na In vitro fertilization (IVF).

Ayon sa ginang, ilang beses na nilang sinubukan ang makabuo at kumonsulta na rin sa iba't-ibang doktor.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

25 taon na rin daw ang lumipas nang mag-manopause ang babae ngunit gustong-gusto nito ang magkaroon ng mga anak ayon sa report ng Hindustan Times.

Nang mabalitaan ang tungkol sa 55-anyos na babae sa kanilang lugar na nabuntis sa pamamagitan ng IVF, sumailalim ito sa test para malaman kung kaya pa nitong magdalang-tao sa pamamagitan ng nasabing procedure.

Gumamit sila ng itlog mula sa isang donor at sperm mula kay Rajarao.

Nabuntis si Yaramati noong January.

Ngunit isang araw matapos ipanganak ang kambal, na-stroke si Rajarao at kasalukuyang nasa ospital.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel