Raffy Tulfo, may napansin sa babae na nakikipag-cool off sa BF

Raffy Tulfo, may napansin sa babae na nakikipag-cool off sa BF

-Agad na napansin ni Raffy Tulfo ang isa sa naging problema ng isang magkasintahan na lumapit sa kanya

-Sinubukan pang pag-ayusin ni Tulfo ang dalawa ngunit nagmatigas na ang babae

-Kinausap naman nito ang lalaki ng sarilinan at pinangakuan na rin ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga napansin ni Raffy Tulfo na naging problema ng magkasintahang kanyang tinulungan sa kanyang programang Wanted sa Radyo ang kahinaan ng lalaki laban sa babae.

Una nang naiulat ng KAMI ang pagdulog ni Myrna Roluna sa nasabing programa para magpatulong na makipaghiwalay sa kanyang kinakasama na si Santie Delos Santos.

Giit ng ginang, pagod na pagod na raw ang kanyang puso sa mga paulit-ulit na pagkakamali ng kinakasama.

Pero si Delos Santos, hindi raw kaya na makipaghiwalay sa ginang.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sa part 2 ng reklamong ito, hindi na naiwasan ni idol Raffy na kausapin ng sarilinan ang lalaki, pagkatapos nitong magmakaawa kay Roluna.

Para kay idol, ang labis na pagmamahal nito sa babae at ang bokal nitong pagsasabi na hindi nito kaya ang mawala si Roluna ay isa sa kanilang problema.

Posible raw kasi na dahil dito ay lumalakas ang loob ng ginang na hiwalayan ang lalaki.

Handa rin si idol na tulungan si Delos Santos sa oras na maghiwalay na ang dalawa.

Kahit kasi lumuhod na at nagmakaawa pa ang lalaki ay nagmatigas pa rin ang ginang dahil daw sa labis na sakit na inani nito sa relasyon nilang dalawa.

Kahit ang alok na Boracay trip ni Tulfo ay tinanggihan na rin nito.

Nagkasundo ang dalawa na mag-cool off muna.

Una nang napansin ni Tulfo ang "panlalait" ng babae kay Delos Santos, na ayon pa dito at binihisan niya at walang-wala noon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel