Kuya Josh, kabisado ang "theme song" diumano nina Kris at Kuya Wil

Kuya Josh, kabisado ang "theme song" diumano nina Kris at Kuya Wil

- Pinasalamatan ni Kris Aquino si Willie Revillame sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Ito ay dahil umano sa pagpapasaya niya sa kanyang panganay na si Joshua

- Ibinahagi din ni Kris ang isang video kung saan kumanta si Willie at sinabayan din ni Josh

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Kris Aquino ang isang nakaka-touch na video kung saan makikitang kumakanta ang kanyang anak na si Joshua ng isang awitin ng kanyang idolong si Willie Revillame.

Makikita ang paghanga ng panganay ni Kris sa TV host at kabisadong-kabisado nito ang kanta ni Kuya Wil.

Ilang beses na ring pinaunlakan ni Willie ang naging hiling ng panganay na anak ni Kris. Matatandaang pinasakay pa siya nito sa isa sa pinakamahal niyang luxury car.

Sa huling bahagi ng video clip na ibinahagi ni Kris, kinantiyawan niya ang TV host na iyon daw ang theme song nilang dalawa. Marami ang kinilig at nag-udyok na sana ay sina Kris na lamang at Willie ang magkatuluyan dahil parehos naman silang single sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinasalamatan ni Kris si Willie dahil sa pagpapasaya niya sa kanyang anak.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Sa naunang ulat ng KAMI, marami ang kinilig nang biniro ni Kris si Willie habang kausap niya ito sa telepono habang naka-ere ang show ng komedyante.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money | HumanMeter

How do you save money? Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share your thoughts about this video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel