Rosanna Roces, may prangkang pahayag tungkol sa kanyang kamag-anak

Rosanna Roces, may prangkang pahayag tungkol sa kanyang kamag-anak

- Bilang kilala sa pagiging prangka, walang ka gatol-gatol ang naging pahayag ni Rosanna Roces tungkol sa kanyang pamilya

- Inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa diumano'y pagtrato sa kanya na parang ATM na kanyang mga kamag-anak

- Pati ang isa niyang anak na diumano'y nabayaran upang siraan siya ay hindi na rin niya kinakausap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kabilang ang aktres na si Rosanna Roces sa bagong teleseryeng "Pamilya Ko" na nakatakda nang mapanood ngayong simula Lunes sa Kapamilya network.

Laking pasasalamat daw ni Osang na hindi nagpakasal si Grace du’n sa Arabo na napabalitang karelasyon ng kanyang anak.

Oo, hindi na bumalik ‘yung Arabo. Sabi ko nga, okey lang. Ang importante nandito ako,” pagkukuwento ng aktres.

Ibinunyag din niya ang diumano'y ginawang pagbayad sa isang anak niya upang baliktarin siya.

Pero ‘yung isa, ‘yung naku-ers (nakuha) ng kabilang show, na binayaran ng bente (P20,000) para siraan ang sariling ina niya, hindi ko na kinakausap,” pagbubunyag niya.

Ang tinutukoy na isa pang anak ni Rosanna ay walang iba kundi ang bunso niyang anak na si Onyok.

Ayon sa ulat ng Bandera sa panulat ni Julie Bonifacio, nagkaroon ng matinding hidwaan ang mag-ina nu’ng paratangan ni Onyok si Rosanna na patuloy sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, paglustay sa kanyang pera at pagtutol sa kinakasama ng bunso niyang anak during his interview sa dating talk show ng GMA.

Naglabas din ng kanyang damdamin si Rosanna tungkol sa kanyang mga kamag-anak na ayon sa kanya ay pinerahan lamang siya.

Ang dami ko na namang tinablang kamag-anak ko kasi, mukha na naman akong ATM sa paningin nila".

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa ng aktres, muling lumalapit ang kanyang kamag-anak ngayong muling nabuhay ang kanyang showbiz career. Gayunpaman, nakapag-isip na siya na unahin muna ang kanyang sarili.

Ngayong nandito na naman ako, nandiyan na naman sila. Tapos parang hindi nila iniisip na may sarili na rin akong buhay. Noon talagang wala akong problema. Napakarami kong pera. So, tulong, tulong, tulong.

Pero isipin din nila nu’ng nawalan ako, wala rin naman silang naitulong sa akin. So, ngayon tulungan ko muna ang sarili ko,” dagdag pa ni Osang.

Tabla, tabla talaga. Siguro naman itong nakasama ko, itong pamilya ko, siguro kung may utang na loob sa kanila, bayad na, may sukli pa.

Si Rosanna Roces o Osang, ay isang artista na kilala noong unang bahagi ng 1990 bilang isa sa mga pinakasikat na aktres. Siya ay unang ipinakilala bilang si "Ana Maceda".

Samantala, ibinunyag ng aktres na tumino siya sa trabaho dahil sa magandang impluwensiya sa kanya ng kanyang karelasyon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money | HumanMeter

How do you save money? Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share your thoughts about this video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel