Netizen, nagmalasakit pakainin ang pulubing di na-trato ng maayos sa isang convenience store

Netizen, nagmalasakit pakainin ang pulubing di na-trato ng maayos sa isang convenience store

- Binahagi ng isang netizen ang nasaksihang di tamang pagtrato ng mga crew ng isang sikat na convenience store sa isang batang pulubi

- Bumili raw ang bata ng pancit canton at di pumayag ang crew na bigyan ito ng manit na tubig at pinaghanap pa di umano ito ng medyo malinis pang cup mula sa basura

- Dahil sa nasakisihan, nagmalasakit na pakainin ng netizen ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang nakakadurog ng puso na eksenang nasaksihan ng netizen na si Jc Rafanan Nero sa isang batang pulubi sa Pacita branch ng 711.

Sinalaysay ni JC kung paano di magandang trinato ang pulubi na bumili naman ng maayos sa convenience store.

Nakiusap daw ang bata na bigyan siya ng mainit na tubig at lagayan kung saan niya maaring lutuin ang biniling pancit canton.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pinaghanap pa raw ang bata ng medyo malinis pang cup mula sa basurahan na maari nitong lagayan.

Napaiyak sa gutom ang batang lalaki na nakita ni JC.

Dahil dito, nilapitan na ni JC ang bata at binigyan ng pagkain at tubig na maiinom.

Lumuluha ang bata habang sumusubo, at dala marahil ng sobrang pagod at gutom, napapapikit na rin ito sa antok hanggang sa tuluyang makatulog.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nilinaw ni JC na kaya niya binahagi ang post ay di para magpa-bida.

Sadya raw kasing nakakadurog ng puso ang ginawa ng crew sa bata na kung tutuusin ay customer din dahil binili niya at di naman hiningi ang pancit canton na kanya sanang lulutuin.

Ayon pa nga kay JC, sana manlang ay pagtulong na lamang ang ginawa ng crew sa batang bakas naman talaga ang pagod at gutom ng oras na iyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel