Lasing, nagawa pang magluto ng almusal sa bahay na kanyang nilooban

Lasing, nagawa pang magluto ng almusal sa bahay na kanyang nilooban

- Isang lasing na Marino ang nakapasok sa isang 'bukas' na bahay sa Florida

- Nakapagluto at nakakain ito sa bahay bago pa man siya mahuli ng may-ari na sinabihan pa niyang bumalik sa pagtulog

- Nakatakas ngunit nahuli rin ang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapasok ang isang Marino sa isang bahay sa Florida at nagawa pa umano nitong magluto ng almusal.

Ayon sa ulat ni Louis Casiano ng Fox News, nakilala ang lalaki na si Gavin Crim na nasa impluwensiya ng alak kaya ito nagawa.

Walang sapilitang pagpasok na naganap dahil sa naiwang hindi naka-lock ang back door ng bahay.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang makapasok bandang 4:00 ng madaling araw, nakapagluto at nakakain pa ng almusal si Gavin.

At nang mahuli siya ng may-ari, lakas loob pa niyang sinabihan ito na bumalik na muli sa pagtulog.

Agad naman siyang binalaan ng may bahay na tatawag ng pulis kaya naman kumaripas ng takbo si Gavin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakatakas man, nahuli pa rin si Gavin ng pulisya.

Wala namang nai-ulat na nawala sa bahay bukod sa mga napakialaman na gamit sa kusina at nakain nito.

Ugaliing magsara ng mabuti ng inyong mga tahanan lao na sa gabi upang makaiwas sa mga ganitong klaseng insidente.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel