Gurong nanunulay sa sirang daan makapasok lang sa eskwela, hinangaan

Gurong nanunulay sa sirang daan makapasok lang sa eskwela, hinangaan

- Hinangaan ang isang guro sa Thailand dahil sa pagtulay nito sa sirang daan

- Di niya tinuring na dahilan ang gumuhong kalsada upang di siya pumasok sa paaralan

- Nasira ang daan dahil sa lakas ng bagyong nanalasa sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang larawan ng isang di pa nakilalang guro sa Thailand dahil sa buwis buhay niyang ginagawa para lamang makapasok sa paaralan.

Ayon sa Buzzooks, kuha ang mga larawan ng guro sa Na Udom kung saan gumuho ang ilang daan doon sa lakas ng pananalasa ng bagyong Podul.

Dahil dito, makikita ang guro na nanunulay mula sa isang bahagi ng daan patungo sa kabila para lamang di lumiban sa klase niya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Gamit ang mga hagdan, binabagtas ng guro ang daan kahit pa siya ay naka-uniporme.

Para sa kanya, di ito dahilan upang lumiban at hayaan na lamang ang kanyang mga estudyante.

Sa itsura pa lang ng sirang daan, mukhang tatagal raw ito ng ilang buwan bago maayos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman nagsasakripisyo ang guro sa ganitong paraan ng pagpasok dahil alam niyang kailangan siya ng kanyang mga estudyante.

Umani rin ito ng papuri mula sa mga netizens na labis siyang hinangaan sa kanyang dedikasyon sa pagtuturo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel