Lagot! Amo na inireklamo ng matapang na kasambahay, may ibinunyag tungkol dito

Lagot! Amo na inireklamo ng matapang na kasambahay, may ibinunyag tungkol dito

- Tatlong bahay at limang sasakyan daw ang nililinis ng kasambahay para sa kanyang amo

- Kaya naman nais na raw niyang makalaya rito pero hindi niya magawa dahil sa utang sa amo

- Mariin naman itong itinanggi ng amo ng kasambahay at laking gulat pa nito nang malamang nagsinungaling daw ang babae sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpa-rescue ang kasambahay na si Gemma Obedo sa programang Wanted sa Radyo sa tulong ng kanyang asawa na si Rodolfo Obedo para makaalis na sa amo nito.

Reklamo ni Gemma, tatlong bahay, limang sasakyan at swimming pool ang nililinis niya para sa among si Emeline Adorables.

Ngunit hindi raw siya pinapaalis ng amo dahil sa kanyang pagkakautang na umabot sa P37,000.

Sabi ni Rodolfo, ibinayad nila ito para sa pagpapagawa sa kanilang bahay.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Samantala, nang makausap naman ni Raffy Tulfo si Emeline kaugnay ng reklamo ni Gemma sa kanya, mariin nitong itinanggi ang akusasyon ng huli.

Laking gulat pa nito nang malamang may mister pa pala ang kasambahay!

Sabi pa nito, nagkautang daw ang kasambahay para sa graduation ng kanilang anak, taliwas sa sinabi ni Rodolfo.

Hindi rin naman daw ganoon kabigat ang trabaho ni Gemma sa kanilang bahay at bagamat inamin nito na pinaglilinis nga niya ito ng mga bahay at mga sasakyan, hindi naman daw ito araw-araw.

Agad rin itong humarap sa barangay upang linawin ang panig nito.

Laking gulat pa ng ginang nang makaharap at malamang may asawa pala si Gemma na ayon dito ay nagsabi na biyuda na.

Nagkaroon din daw kasi ito ng nobyo na isa ring tauhan ng kanilang bahay.

Sa katunayan daw ay umuwi pa ang dalawa sa Bicol at nanghiram pa sa kanya ng pera noon dahil may sakit daw ang lalaki na naging kasintahan ni Gemma na nagngangalang Armando.

Ayon kay Rodolfo, hindi niya alam ang tungkol doon.

Matapos nito, inalok pa ni Emeline na pumunta ang team ng programa at barangay sa kanyang bahay para makita ang sitwasyon ni Gemma.

Nang magharap-harap na ang mga ito agad nitong kinompronta si Gemma tungkol sa asawa nito.

Nilinaw naman ng kasambahay na alam iyon ng kanyang mister at nagkaroon ito ng relasyon kay Armando noong nagkahiwalay sila ng asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagkaroon pa ng kaunting pagtatalo ang mga ito ngunit sa huli ay nagkasundo na lamang ang mga ito na tuluyan nang umalis si Gemma sa mga ito.

Pero nagulat ang lahat nang humingi ito ng separation pay na P150,000, bagay na hindi sinang-ayunan ni Emeline.

Binigyan sila ng pagkakataon na magkausap na walang nakaharap na camera.

Pagkatapos nito, nagkasundo ang dalawa na P5,000 na lamang ang hihingin ni Gemma sa amo dahil na rin sa kanyang utang dito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel