Senator Tito Sotto, may matindi muling banat kaugnay ng SOGIE bill

Senator Tito Sotto, may matindi muling banat kaugnay ng SOGIE bill

- Matapos ang kontrobersiyal na pahayag ni Senate President Tito Sotto tungkol sa SOGIE bill na umani ng batikos, isa pang matinding banat ang binitiwan nito

- Isa sa mga bumatikos rito ay ang komedyanteng si Vice Ganda

- Kilalang kritiko ng SOGIE bill si Sotto at una na nitong sinabi na walang pag-asa ang nasabing bill na pumasa sa Senado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa muling matinding banat ang iniwan ni Senate President Vicente "Tito" Sotto sa kanyang mga followers sa social media kaugnay ng mainit na isyu ng SOGIE bill.

Sa Twitter post ni Sotto, tinanong niya ang mga netizens kung posible na rin bang makapag-avail ng maternity leave ang mga transwomen katulad ng isang biological na babae.

“Can a man who feels he is a woman apply for maternity leave to be equal to biological women?” anito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bago nito, isa ring pahayag mula sa senador ang umani ng kaliwa't kanang reaksyon sa mga Pinoy na talaga namang isa sa mga pinag-usapan nitong linggo.

“If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth; you do not have ovaries. You will never be a woman. So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights, and it’s giving transgender rights,” anito.

Para sa senador, ang SOGIE bill ay unconstitutional dahil labag ito sa “women’s rights, academic freedom, and religious freedom”.

Isa sa mga bumatikos sa pahayag ni Senator Sotto ang sikat na komedyante na si Vice Ganda, na una nang naiulat ng KAMI.

Dati nang sinabi ng Senate president na walang pag-asang makapasa sa Senado ang SOGIE bill.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Vicente "Tito" Castelo Sotto III ay dating artista at miyembro ng sikat na TVJ trio o Tito, Vic and Joey.

Siya ang ika-29 at kasalukuyang senate president sa bansa.

Kasal ito sa beteranang aktres na si Helen Gamboa at may apat na anak dito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel