Misis na inireklamo ng panlalalaki, ipapakulam na lang daw si mister

Misis na inireklamo ng panlalalaki, ipapakulam na lang daw si mister

- Nagbanta ang ginang na inireklamo ng kanyang mister na ipapakulam daw ito

- Ito raw ay dahil sa pamamahiya nito sa kanya matapos siyang ireklamo ng panlalalaki sa programa ni Raffy Tulfo

- Pero si mister hindi raw takot sa barang ngunit gusto pa rin balikan siya ni misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tatanggapin pa rin daw ni mister ang inireklamong misis sa kabila ng panlalalaki raw nito.

Pero si misis, nagmatigas na at handa pa raw ipakulam ang kanyang mister dahil sa labis na pagkapahiya dulot ng reklamo nito sa programa ni Raffy Tulfo.

Anito, mayroon itong kakilala na mangbabarang na marami na raw ang naging biktima.

Una nang naiulat ng KAMI, ang mainit na bakbakan ng mag-asawang Gerry at Cristita De Laza na nag-ugat sa panlalalaki raw ni misis.

Matindi ang naging sagutan at rebelasyon ng bawat isa, ngunit si mister, naniniwalang dapat na mabuo pa rin ang kanilang pamilya. Mahal pa rin naman daw niya ito sa kabila ng nangyari.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pero si misis, gusto nang makalaya rito. Mariin din nitong itinanggi ang lahat ng akusasyon ni mister.

Sa gitna ng pagtatalo ng mag-asawa, rumesbak din ang kapatid ni Cristita na tila mas nagpatindi pa sa bakbakan ng dalawa.

Inakusahan rin kasi ito ni Gerry na pinagtatakpan ang kalokohan ng misis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa huli, hindi na talaga nagkasundo pa ang dalawa.

Pinayuhan na lamang ni Tulfo si Gerry na humanap ng matibay na ebidensiya laban kay Cristita para maiakyat sa korte ang reklamo laban dito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel