Mister na nais maayos ang pamilya, hinindian ni misis dahil sa nasaksihan ng mga anak

Mister na nais maayos ang pamilya, hinindian ni misis dahil sa nasaksihan ng mga anak

- Nais pa sanang makipagbalikan ng mister sa kanyang misis upang maayos ang kanilang pamilya

- Mismong ang kanyang mga binatilyong anak ang tumanggi sa dami ng kalokohan ng ama na nasaksihan nila

- Nagkasundo na lamang ang mister at misis na ayusin ang sustento sa mga anak ngunit di na magkakabalikan pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action ang misis na si Mary Rose Espina dahil umano sa di pagsusustento ng kanyang hiniwalayang mister sa kanilang mga anak.

Sa episode na binahagi rin sa Facebook page ng programa noong Setyembre 5, kasama ni Mary Rose ang kanyang kambal na anak na sina Harold Ivan at Harvey.

Hindi makatupad ang mister sa sustento nitong ₱500 kada bata kada linggo kaya naman minabuti ng misis na isangguni na ito sa nasabing programa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpaunlak naman ng panayam ang mister na si Henry Espina. Sinabi nitong on-call driver lang siya ng pribadong tao kaya di regular ang kanyang kita.

Ito ang sinasabi niyang dahilan kaya di siya regular na nakapagbibigay ng napagkasunduan nila sa Public Attorney's Office.

Sa kabila ng di pagbibigay suporta sa mga anak, ninais pa ni Henry na makipagbalikan na lamang nito sa misis na siya namang tinanggihan nito lalo na ng mga anak.

Ayon kasi sa kambal, marami na silang nasaksihang kalokohan ng ama lalo na noong nag-abroad ang kanilang ina.

Ang pinakamalala rito ay ang pagdadala umano nito ng ibang babae na karga pa mismo ng ama na parang 'baby' at sinabing kaibigan lamang niya ito.

Isa lamang ito sa marami pang dahilan ng misis kumbakit di na niya masikmura pang balikan ang mister.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bukod kasi sa wala itong maayos na trabaho, nakuha pa raw nitong gumamit ng ipinagbabawal na gamot at magsugal. Kapag natatalo pa ito sa sugal, nagagawa pa nitong pagbalingan ng sama ng loob ang kanyang mag-iina.

Dahil sa mga kaganapang ito, nagmatigas ang mag-iinang di na muling bigyan pa ng isa pang pagkakataon na bumalik pa si Henry sa kanilang tahanan.

Nauwi na lamang ito sa pirmahan sa kanilang barangay na magbibigay ito ng mula ₱4000 hanggang ₱6500 na sustento sa mga anak kada buwan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel