Amerikano, inaresto dahil sa ginawa niya sa Pinay na nakilala sa dating site

Amerikano, inaresto dahil sa ginawa niya sa Pinay na nakilala sa dating site

- Isang Amerikanong teacher na nagngangalang Christian Mothershead ang inaresto ng pulis sa Wisconsin

- Ito ay dahil sa pagmamaltrato niya sa isang Filipina

- Nagkakilala ang dalawa sa isang dating site

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Amerikanong high school teacher na nagngangalang Christian Mothershead sa Wisconsin ang inaresto dahil sa kanyang ginawa sa isang Filipina na nakilala niya sa isang dating site.

Ayon sa Milwaukee Journal Sentinel, ang 46-anyos na guro ay nakipagkilala sa Pinay noong 2017.

Ni-report din ng ABS-CBN News na human trafficking at second-degree sexual assault ang ipinatong na charges laban kay Mothershead, isang Chinese language teacher sa Alexander Hamilton High School.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ipinangako raw ng Amerikano sa Pinay na papakasalan siya nito. Pero nang makarating ang babae sa Amerika, ginawa siyang alipin nito.

Bawal siyang uminom ng tubig at manood ng telebisyon kung hindi pa siya naglilinis ng bahay at nagluluto ng pagkain. Minolestiya rin daw siya ni Mothershead sa isang pagkakataon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Itinanggi naman ni Mothershead ang paratang laban sa kanya.

"I did none of these things. They're all lies," sinabi niya, ayon sa WTMJ.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work? HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel