Pinapili ni idol Raffy ang bondying na titser, luhod o kulong?

Pinapili ni idol Raffy ang bondying na titser, luhod o kulong?

- Para kay Raffy Tulfo, posible pang maayos ang gusot sa gurong inireklamo at sa misis nito

- Kaya naman, nagawa niyang pakiusapan ang ginang na noong una ay nagmatigas na na ipakulong ang nangaliwang asawa

- Kapalit nito ay sinserong humingi ng tawad ang lalaki sa kanyang misis sa harap ng madla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sagad na sagad na raw ang ginang na si Michelle Ann Andaya sa kanyang mister na guro na si Rey Andaya sa mga palusot nito.

Nais na niya itong makulong lalo pa at may mga ebidensiya siya na mayroon itong ibang babae na kapwa nito guro sa Tarlac.

Bukod dito, kulang ang sustentong ibinibigay nito.

Giit ni misis, binayaran pa raw ni mister at kabit ang asawa nito para huwag lamang magkaso.

Patunay raw dito ang kasulatan na nasa kanyang cellphone na dating gamit ni mister.

May mga messages rin daw ang dalawa sa isa't-isa at may pag-amin na rin daw mula kay mister sa pamamagitan rin ng isang mensahe.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, malakas daw ang laban ni misis laban kay mister.

Samantala, hindi man direktang inamin o itinanggi ni Rey ang akusasyon sa pambabae, nilinaw nito na ginagampanan niya ang responsibilidad bilang ama.

Sabi pa nito, ipinagdadamot umano ni Michelle ang kanilang anak, na itinanggi naman ng huli.

Nagawa pang makiusap ng lalaki na pag-usapan na lamang nila ang kanilang problema ngunit nagmatigas na ang ginang.

Tanong pa ni mister, paano na ang kanyang mga magulang kung makukulong siya.

Sagot naman ni idol Raffy, dapat ay mas inuna nitong isipin ang kanyang anak dahil pamilyado na siya. Dito na siya nabansagang "bondying" ni idol.

Dahil dito tila lalong tumigas ang damdamin ni misis at gusto nang ituloy ang kaso.

Kaya naman si Tulfo na ang nagawang makiusap kay misis.

Isang "deal" ang inalok niya sa mag-asawa. Public apology mula kay mister na may kasamang luhod para sincere.

Tila nagdalawang-isip pa si mister nguinit dahil malaki ang posibilidad na siya ay makalaboso, nakipagkasundo ito na humarap kay misis sa tanggapan ng TV5.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel