Raffy Tulfo, pinagsabihan ang misis na nilait ang mister na binihisan raw nito

Raffy Tulfo, pinagsabihan ang misis na nilait ang mister na binihisan raw nito

- Handa raw tiisin ni mister ang panlalait sa kanya ng kanyang kinakasama huwag lamang silang maghiwalay

- Pero si misis, pagod na pagod na raw ang puso dahil sa pambababae ni mister

- Ngunit si mister, handang lumuhod para lang mapatawad ng kanyang minamahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong ang ginang na si Myrna Roluna ng tulong sa programang Wanted sa Radyo upang makipaghiwalay sa kanyang kinakasama na si Santie Delos Santos na ayaw raw pumayag na makipaghiwalay sa kanya.

Giit ni Roluna, pagod na pagod na ang kanyang puso sa paulit-ulit na pagkakamali ng kinakasama.

Reklamo pa ng ginang ang pambababae ni Delos Santos at kahit pinsan niya ay tinalo raw nito.

Agad namang humarap si Delos Santos kay Roluna sa programa upang idepensa ang kanyang sarili.

Inamin nito na minsan siyang nagkamali ngunit nagbago na raw siya alang-alang sa kanyang pagmamahal kay Roluna.

Sabi pa nito, handa siyang tiisin ang lahat ng panlalait nito sa kanya huwag lang silang maghiwalay.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Una nang sinabi ni Roluna na binihisan at tinanggap niya ang lalaki kahit pa walang-wala ito noon.

Maging ang pagkukulang nito bilang lalaki na sensitibo at dapat sana ay confidential ay ibinulgar pa ng ginang.

Bagay na hindi sinang-ayunan ni Raffy Tulfo. Sabi pa ni idol, hindi dapat na sabihin ito ng ginang dahil masakit ito para sa isang lalaki.

Ganunpaman, iginiit pa rin ni Delos Santos ang pagmamahal sa ginang.

Ngunit napuno na raw ito dahil sa mga ginawa ng lalaki. Nagawa pa nga raw humingi nito ng isang milyon para lamang tuluyan siyang hiwalayan ng lalaki.

Depensa naman ni Delos Santos, nasabi lamang niya dala ng bugso ng damdamin at walang balak na totohanin ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel