Misis, 'di napigilang sugurin ang babaeng naanakan ng mister na matulis

Misis, 'di napigilang sugurin ang babaeng naanakan ng mister na matulis

- Tila bumuhos ang lahat ng sama ng loob ng isang ginang sa babaeng naanakan ng kanyang mister

- Iginigiit kasi ni misis na hindi totoo ang mga pahayag ng babae at para lang daw ito sirain ang kanilang relasyon ng asawa

- Hindi nga nito napigilan ang sarili nang magharap sila sa barangay at sinugod ang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa barangay na muling nagharap ang mag-asawang Jomar at Rica Carranto at ang babaeng naanakan ng una na si Melizabeth Salapudin.

Matatandaang inireklamo ni Melizabeth ang pulis na si Jomar dahil sa kulang na sustento na una nang naiulat ng KAMI.

Matapos mai-ere ng reklamo nito ay agad ring rumesbak ang misis ni Jomar na si Rica.

Kanya-kanyang akusasyon na ang ibinato ng dalawang panig sa bawat isa.

Ngunit nang magharap nga ang mga ito sa barangay ay tila mas tumindi pa ang bangayan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Jomar, handa naman silang magbigay ng sustento ngunit mayroon raw silang natanggap na mensahe laban kay Melizabeth.

Hindi nagpaawat si misis at may mga ibinulgar pa laban kay Melizabeth na itinanggi naman ng huli.

Mas uminit pa ang sagutan ng dalawa hanggang sa hindi na napigil ni misis ang sarili at nasugod na si Melizabeth.

Hindi rin naman nagpatalo si Melizabeth at akmang gagantihan si misis. Agad naman silang inawat ng mga tao roon.

Sa huli, iginiit ni Melizabeth na sustento lamang ang kailangan niya at walang intensyon na makipag-away sa mga ito.

Nais na rin daw niyang maayos ang gusot sa pagitan nila.

Nagkaroon ng kasunduan ang mga ito sa barangay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel