Raffy Tulfo, 'di nakasingit sa bakbakan ng mag-asawang "unlimited"

Raffy Tulfo, 'di nakasingit sa bakbakan ng mag-asawang "unlimited"

- Walang preno at tila hindi nauubusan ng ibabatong salita laban sa bawat isa ang mag-asawang nakaharap ni Raffy Tulfo kamakailan sa kanyang programa

- Nag-ugat ang lahat nang ireklamo ng lalaki ang kanyang misis na may lalaki umano

- Mas tumindi pa ang bangayan ng dalawa sa huling bahagi ng part 1 ng reklamo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos hindi nakasingit si Raffy Tulfo sa mag-asawang nakaharap niya sa programang Wanted sa Radyo kamakailan.

Walang preno at tila hindi nauubusan ng akusasyon ang dalawa laban sa isa't-isa.

Nag-ugat ang lahat nang ireklamo ni Gerry De Laza ang kanyang misis na si Cristita De Laza na makailang beses umanong nanlalaki.

Mariin naman itong itinanggi ni Cristita at sa halip ay may akusasyon rin ito laban sa mister.

Anito, nananakit ang lalaki at nasangkot pa raw sa isang krimen. Itinanggi rin ito ni Gerry.

Hindi nagpatalo ang bawat isa sa kani-kanilang reklamo at rebelasyon.

Iginigiit ni mister na may lalaki si misis at kasama niya ito sa Leyte kahit pa nga una nitong sinabi na nasa Surigao siya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naman kumbinsido si idol Raffy sa naging palusot ni misis at maging mga netizens ay pumaig rin kay mister.

Sabi pa ni mister, tatanggapin pa rin niya ang misis kapag nagsawa na ito sa panlalalaki.

Ngunit si misis, desidido na raw talagang makipaghiwalay kay mister!

Hanggang sa huli ay patuloy ang bakbakan ng dalawa at hindi talaga nagkasundo.

At mukhang may bago na namang aabangan ang mga netizens dahil mas naging kapana-panabik ang mga sumunod na ganap.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa pang mister ang inireklamo ang kanyang misis na sumasalisi raw sa tuwing papasok siya sa trabaho!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitchen Hacks: Do They Really Work?

HumanMeter is testing some famous kitchen hacks. Let's see which of them actually work! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel