Pres. Duterte, sinibak na si BuCor chief Faeldon

Pres. Duterte, sinibak na si BuCor chief Faeldon

- Sinibak na ni Pangulong Duterte si BuCor chief Nicanor Faeldon ngayong Miyerkules

- Ito ay matapos masangkot si Faeldon sa pagpapalaya sa mga convicts sa mga heinous crime sa ilalim ng kontrobersyal na GCTA law

- Nagbigay naman ng kanyang pahayag si Faeldon kaugnay ng pagsibak sa kanya ni PRRD

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Corrections chief Nicanor Faeldon sa pwesto ngayong Miyerkules.

Sinabi ng pangulo na sinibak niya si Faeldon dahil sinuway siya nito.

"Faeldon has to go because Faeldon disobeyed my order," ayon sa pangulo.

Ilang minuto bago ito pinahayag sa media, tinawagan niya si Faeldon at pinag-resign na ito.

"I am demanding the resignation of Faeldon immediately," ani PRRD.

Sa isa namang ulat ng GMA News, tinanggap naman ni Faeldon ang utos ni Pangulong Duterte na siya ay magbitiw na sa pwesto.

"My commander-in-chief/appointing authority has spoken. I am a marine and a marine does as he is told. I most humbly bow to my commander-in-chief's order without any hard feelings." anito.

Ito ay matapos masangkot si Faeldon sa pagpapalaya sa mga high profile na preso kabilang na ang mga convicted sa heinous crimes.

Kabilang rito ang tatlong hinatulan sa kaso ng Chiong sisters na inamin rin ni Faeldon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang umingay ang nakatakda nang paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, na naging ugat para tutukan ito ng taong-bayan.

Una nang itinanggi ni Faeldon na makakalaya si Sanchez ngunit ayon sa memoramdum na pinirmahan ni Faeldon para sa release ni Sanchez, nakatakda sanang makalaya ang dating mayor noong Agosto.

Sa Senate hearing kaugnay ng kontrobersyal na GCTA law, inamin ni Faeldon na pinirmahan niya nga ang release ni Sanchez ngunit agad ring binawi nang mapagtanto raw niya ang ginawa.

Sa isa pang ulat ng KAMI, inamin ni Faeldon na hindi siya kumonsulta sa DOJ bago ang pagpapalaya sa mga presong sangkot sa heinous crimes.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms?

We are asking Filipino people what they think about a highly discussed issue in the country. Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel