Makati Senior HS at SpEd students, maari nang magtrabaho sa McDonald's

Makati Senior HS at SpEd students, maari nang magtrabaho sa McDonald's

- Tatanggap na ng mga Senior High School at Special Education (SpEd) students ang mga branches ng McDonald's sa Makati

- Nag-tie up ang city government of Makati at McDonald's Philippines upang maisakatuparan ang proyektong ito

- Inaasahang nasa 1,000 na trabaho ang naghihintay sa mga SHS at SpEd students ng nasabing lungsod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakipagtulungan ang McDonald's PH sa city government of Makati upang mabigyan ng trabaho ang nasa 1,000 na Senior high school at Special Education students.

Ito ay matapos ang pulong na naganap sa Mayor's office ng Makati City Hall nitong Lunes, Setyembre 2, sa pagitan ng punong lungsod na si Mayor Abby Binay at McDonald’s Philippines President and CEO Kenneth Yang.

Sa Facebook post ng My Makati, nabanggit na minsan nang nagkaroon ng immersion program ang lungsod at ang McDonald's PH at ngayon ay palalawigin pa lalo nila ang proyekto.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Napakalaking oportunidad daw ito upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga senior high school students na nais na magtrabaho sa maayos na paraan.

Magsisilbing training na rin ito sa kanila upang mapagtanto pa lalo ang kanilang kakayanan.

1,000 trabaho ang magbubukas sa mga senior high school students mula Fort Bonifacio SHS, Makati SHS, Nemesio I. Yabut SHS, Maximo Estrella SHS, at Pitogo SHS.

Makati Senior HS at SpEd students, maari nang magtrabaho sa McDonald's

“We are grateful for McDonald’s staunch support for the city’s efforts to promote employment for our constituents,” pahayag ni Mayor Abby.
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inaasahan din ni Mayor Abby na pagbubutihin ng mga makakapasok sa programang ito ang oportunidad na maiaatang sa kanila.

Samantala, nagpasalamat din ang alkalde sa McDonald's dahil sa palagiang pakikilahok nito sa taunang job fair na isinasagawa sa lungsod.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel