Manny Pacquiao, nanawagan sa lahat ng mayayaman! Netizens, naantig ang mga puso

Manny Pacquiao, nanawagan sa lahat ng mayayaman! Netizens, naantig ang mga puso

- Manny Pacquiao, may panawagan sa lahat ng mayayaman

- Netizens, sobrang naantig ang mga puso sa sinabi ni Sen. Manny

- Komento at reaksyon sa viral speech ng senador, bumaha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Manny Pacquiao, nanawagan sa lahat ng mayayaman sa viral video na naispatan ng KAMI sa socmed.

Pinag-uusapan ngayon ang speech ni Sen. Manny Pacquiao sa senado dahil sa kanyang nakakaantig sa damdamin na panawagan para sa mga mahihirap na kababayan.

Nanawagan siya sa lahat ng mga mayayaman na mag-ambag-ambag para tulungan ang mahihirap.

Aniya:

"Lahat sana and I'm praying to God na lahat ng mayayaman, lahat ng may pera, mag-ambag-ambag tayo. Kawang gawa na lang tayo. Tulungan na natin yung mga mahihirap.Bigay tayo kung ano yung tulong na dapat magawa natin. Yung pera natin hindi natin madala sa libingan."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dugtong pa ng senador:

"Nasasaktan ako pagka-binabatikos yung mga programa para sa kanila. Dahil d'yan ako galing eh. D'yan ako galing sa pagiging mahirap yung walang makain sa isang araw. Naranasan ko yun. Kaya ako ano man ang narating ko, ano man ang pera, ano man ang halaga nakamtan ko sa buhay, hindi mahalaga para sa akin yan. Ang importante makatulong ako sa taong bayan, makatulong ako sa kapwa ko. And I'm willing na maging mahirap ako para lang masamahan ko yung mahirap na tao."

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Dagdag pa ni Senador Pacquiao, hindi raw siya madamot na itatago niya ang kanyang kayamanan dahil di naman daw niya madadala ito sa kanyang pagpanaw.

At nag-quote pa ng isang bible verse.

Sabi pa niya:

"We came to this world naked, and we will depart alone and naked"

Kaya naman binaha ng maraming komento ang naturang speech ng senador.

" Really admiring Manny for his great concern most specially to the poor people in the country. We, love you Manny so much!"
"Sana lahat na senador at nanunungkulan sa gobyerno katulad ninyo ni mayor Isko moreno mabuhay kayong matitinong politiko... ang panginoon ay nasa inyo lagi."
"Kung sana lahat ng mayayaman ay katulad mong may mabuting kalooban kaya lang, mas lamang ang pagiging makasarili ng nakakarami lalo na pagdating sa pera,kaya nga di maalis ang kurapsiyon sa ating bansa dahil maraming ganid sa pera at kapangyarihan."

Pinag-uusapan rin ang viral video ng ating kauna-unahang pambato sa 2020 Tokyo Olympics na si EJ Obiena na isang pole vaulter dahil sa kanyang angking galing at gilas.

Panoorin at pakinggan ang buong speech ni Sen. Manny Pacquiao sa baba:

Manny Pacquiao, isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Find out if these kitchen hacks we see online, actually work in the video below:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel