Pagsugod ng Misis sa mister na kasama di umano ang kabit nito, viral

Pagsugod ng Misis sa mister na kasama di umano ang kabit nito, viral

- Mahigit 3 million views na ang video ng misis na nahuli ang mister na may kasamang ibang babae sa airport

- Kita ang matinding galit ng misis na nakuha nang magsalita ng di maganda at di napigilang manakit dahil sa nakita

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang video at karamiha'y naawa sa misis na labis na nasaktan sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video ng misis na nahuli di umano ang kanyang mister na kasama ang sinasabing babae nito.

Sa video na binahagi ni Tapiro, ganun na lamang ang galit ng misis sa mister at sa babaeng kasama nito.

Kahit pa sinasalo na ng mister ang mapanakit na misis, di pa rin nito mapigilang magsalita ng di maganda at pilit na pagkompronta sa babae.

Maririnig sa video na sinabi pa ng emosyonal na misis na "buong buhay ko binigay ko sayo!” sa kanyang mister.

Bago pa man tumayo ang babae sa kanyang kinauupuan, ang tanging nasabi na lamang nito ay "hindi ko alam."

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Paalis na sana ito nang mahablot ng misis ang buhok ng babae. Doon pilit nang inilayo ng mister ang kanyang asawang halos himatayin na sa sama ng loob.

Samantala, maging ang mga netizens ay ramdam ang tensyon sa napanood na sitwasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Simple lang yan eh. Pag you know deep down inside di mo kaya maging tapat at mag mahal lang ng isa, huwag mag asawa."
"Huwag natin pahirapan ang iba dahil sa sarili natin mismo hindi tayo honest."
"Buong buhay ko binigay ko sayo!” Sobrang sakit. Di ko naintindihan lahat ng sinabi nya pero ramdam ko yung sakit sa tono ng boses nya. Grabe"
"Hindi nyo alam gaano kasakit at ang impact niyan sa pagkato ng nga taong niloko nyo. Habang buhay nilang dadalhin at iisipin kung anong kulang sakanila nakakababa yan bg self esteem."
"Relate po pero dapat po hindi nalang sya nag skandalo oo masakit dahil nangyari sa akin yan daig mo pa tinabunan ng buhay pero kalma lang dapat at uwi nlang ngayon pagdating sa bahay"
"Baka magawa ko din yn pag anjn ako sa kalagayan"
"Grabe yung iyak nung misis nakakaawa..."

Umabot na sa mahigit 3 milyong views ang video sa loob lamang ng isang araw mula nang maibahagi ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel