Pagsita ng sekyu sa mga LGBT na nag-CR sa pambabae, sapul sa video
- Viral ngayon ang isa na namang eksena sa paggamit ng CR na pambabae ng ilang mga beki sa Almanza, Cavite
- Maayos daw sana na sinaway ito ng mga guard upang sana'y di ito nauwi sa sagutan at muntik pa ang mga itong magkasakitan
- Umani ng iba't-ibang reaksyon ang video na muling iniugnay sa eksena sa CR ni Gretchen Diez sa isang mall sa Quezon city
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena ang isa na namang kaganapan sa gasoline station sa Almanza, Cavite na kinasasangkutan ng ilang mga miyembro ng LGBT at security guard.
Binahagi ng netizen na si Macky Padilla Onrubia ang video ng paninita ng guard ng Shell gas station sa mga beki na gumamit ng pambabaeng palikuran.
Tila di raw naging maganda ang paninita ng sekyu sa mga beki at di nila ito nagustuhan.
Nauwi tuloy sa sagutan at pagtatalo ang kanilang usapan at muntik pang mauwi sa pisikalan.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Sa isa pang Facebook page na nagbahagi ng video, nabanggit ng netizen na kilala raw niya ang mga beki na mababait at napapakiusapan.
Ngunit dahil daw sa di maayos na pakikipag-usap ng guwardiya sa mga ito, nauwi sa gulo.
Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang ngayo'y viral video na ito. Muli na naman kasi itong nai-ugnay sa naging kontrobersyal na CR issue ng miyembro rin ng LGBT na si Gretchen Diez.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang komento ng ilang netizens:
"Naging stigma na ang ginawa ni gretchen kaya ganyan na ang mga nagyayari ngaun. Sa halip na maging maayos ang pagtanggap sa knila, naging hate ang response ng nakararami dahil sa character na pinakita ni gretchen representing the lgbt. Yan ang social impact ng isyung ito."
"Lumalaki ulo ng mga yan. Pampagulo lng kau.ginusto nyo yan magdusa kau..nanatiling dalawa lng ang nilikha ng diyos si Eba at c adan"
"Alam nyo, magccr yan Sila lagi sa pambabae para pag uusapan nanaman ang SoGiE bill na ya, lagi nila gagawin yan kasi plano nila maibigay mga kahilingan nila"
"Di na po need pakiusapan, ang kylngn lng po respeto, bakla ka, pero lalaki ka pa rin. Una plng dapat po sa tamang cr na sila pmunta. Yan yun pnglalaban nyo? Lalo lng kayo naddiscriminate"
"Ang tanong bakit mgrereact ng ganon ung guard?kung madaling pakiuspan"
Umabot na sa mahigit 900,000 views ang video na ito.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms.
Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh