Baby, nanatili sa sinapupunan ng nanay na idineklarang brain dead

Baby, nanatili sa sinapupunan ng nanay na idineklarang brain dead

-Matapos magkaroon ng hemorrhage ang isang ginang habang nasa kanyang ika-16 linggo ng pagbubuntis, idineklara itong brain dead

-Ganunpaman, nanatiling buhay ang sanggol sa kanyang sinapupunan sa tulong na rin ng science

-Makalipas ang halos apat na buwan, ligtas na ipinanganak ang baby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ligtas at malusog na naipanganak ang isang sanggol na babae sa Czech Republic kahit pa idineklarang brain dead ang ina nito.

Ayon sa ulat ABS-CBN News (Author, Agence France-Presse), tumimbang ito ng 2.13 kilos.

Nasa ika-16 linggo ng pagbubuntis ang nanay ng sanggol nang magkaroon ito ng hemorrhage at idineklarang brain dead noong Abril.

Ganunpaman, nanatiling buhay ang sanggol sa sinapupunan nito sa tulong na rin ng science.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinanatiling buhay ng mga doktor ang puso, baga, kidneys at iba pang organs ng ginang.

Kinakausap ng mga nurse ang sanggol sa tiyan nito habang ang lola nito ay binabasahan naman ito ng fairytales.

Mayroon ring therapist na nagpapagalaw sa mga binti ng ginang na para bang naglalakad.

At makalipas ang halos apat na buwan o 117 araw ay ipinanganak na ang sanggol.

Ayon pa sa anesthesiologist nito, ang baby ang isa sa pinakamabigat na sanggol na ipinanganak ng nanay na idineklara nang brain dead.

Matapos isilang ito, inalis na ang life support ng nanay.

Pinapadede naman ang sanggol ng kanyang tiyahin na saktong mayroon ding anak na pinapa-breastfeed.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms?

We are asking Filipino people what they think about a highly discussed issue in the country. Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel