Foreigner na nagbakasyon at magpapagamot lang, nasawi sa Laguna plane crash

Foreigner na nagbakasyon at magpapagamot lang, nasawi sa Laguna plane crash

- Kabilang sa mga nasawi sa Laguna plane crash kahapon ang mag-asawang nagbabakasyon lamang sa Pilipinas

- Ayon pa sa mga ulat, magpapagamot lamang sana ang lalaki sa Maynila nang makitaan ito ng bukol sa ulo

- Magdiriwang sana ng kanilang kaarawan ang mag-asawa na parehong Setyembre ipinanganak maging ang kanilang kaisa-isang anak na nasa New Zealand

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magdiriwang sana ng kanilang kaarawan ang mag-asawang Erma at Tom Carr ngayong Setyembre.

Ngunit pinutol ng isang malagim na trahedya ang dapat sana'y selebrasyon ng kanilang kaarawan nang mapasama ang dalawa sa mga nasawi sa Laguna plane crash nitong Linggo.

Base sa ulat ng ABS-CBN News (Author, Dynah Diestro), magpapagamot sana si Tom sa Maynila nang maganap ang aksidente.

Ayon sa kapatid ni Erma na si Sonia Rodrigo, na-admit si Tom sa isang ospital dahil nahirapan itong maglakad noong Agosto 26.

Agosto 30 nang ma-admit muli ito nang ireklamong hindi maigalaw ang kalahati ng katawan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang sumailalim ito sa CT scan, nadiskubreng may bukol ito sa ulo kaya inirekomenda ng doktor na operahan ito.

Papunta sana ang mga ito sa St. Luke's hospital sa Maynila mula Dipolog.

Ayon sa ulat, walang ibinigay na pahintulot ang dalawang doktor ni Tom para bumiyahe ito ngunit pumirma raw ng waiver si Erma para magamit ang health insurance ni Tom sa lilipatang ospital sa Maynila.

Marso nang dumating ang mag-asawang Carr sa bansa at babalik na sana sa New Zealand sa Setyembre 20.

Ngayong araw, Setyembre 2, napag-alaman pa na kaarawan ng kanilang kaisa-isang anak na si Vincent Carr na nasa New Zealand.

Una nang naibalita ng KAMI ang pagbagsak ng small private plane sa Calamba, Laguna noong Linggo.

Siyam ang naiulat na nasawi sa trahedya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms?

We are asking Filipino people what they think about a highly discussed issue in the country. Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel