The ultimate resbak! Louie Ocampo may pangmalakasang resbak kay Shantal Cuizon

The ultimate resbak! Louie Ocampo may pangmalakasang resbak kay Shantal Cuizon

- Hindi napigilang magsalita ni Louie Ocampo tungkol sa kontrobersiyal na tweet ng isang TNT quarter-finalist

- Nang magbigay ng kanyang komento sa performance ng mga Tawag ng Tanghalan resbaker, naging makahulugan ang kanyang biro

- Kinagiliwan naman ng mga netizens ang naging resbak ni Sir Louie sa kontrobersiyal na pangmamaliit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa pinakainabangan ng mga manonood ng noontime show na It's Showtime ay ang magiging sagot ni Louie Ocampo sa kontrobersiyal na tweet ni Shantal Cuizon. Si Shantal ay isa sa mga Quarter 4 semifinalist sa Tawag ng Tanghalan.

Binatikos siya ng mga netizens matapos lumabas ang kanyang tweet patungkol kay Louie Ocampo matapos ang kanyang makapigil hiningang performance na muntik nang ma-gong.

Humingi naman ng dispensa si Cuizon at inamin ang pagkakamali noong Sabado na nauna nang naiulat ng KAMI. Kaya naman inabangan ng mga viewers ang magiging reaksiyon ng composer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang magbigay ng kanyang komento para sa performance ng mga resbaker ngayong araw, tila may pinatamaan ito sa kanyang biro.

"Sorry composer lang ako, di ako makaisip eh," pabirong hirit ni Sir Louie. Napuno naman ng tawanan ang studio matapos niya iyong sabihin.

"To whoever consistently performed for both performances, sa akin, yan ang pok na pok," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens sa Twitter.

Si Louie Ocampo ay isang Filipino composer at arranger na sumikat sa kanyang mga compositions para kay Martin Nievera. Ilan sa kanyang mga sumikat na compositions ay Tell Me, Kahit Isang Saglit, at You Are My Song.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"When Was The Last Time You Said 'I Love You'"? | HumanMeter

Playing Firsts and Lasts with famous Filipino actor and singer Ruru Madrid. Guess when was the last time he said "I love you" to someone. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel