Bago ang Sarmenta-Gomez slay, ex schoolmate nila, may nakakakilabot na karanasan

Bago ang Sarmenta-Gomez slay, ex schoolmate nila, may nakakakilabot na karanasan

- Isa sa mga dating schoolmate ng pinatay na UPLB students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez ang inalala ang isang nakakakilabot na karanasan nila

- Anito, bago pa maganap ang krimen noong 1993, isang insidente pa sangkot ang isa sa mga tauhan ni Antonio Sanchez ang naganap

- At para rito, may kaugnayan ito sa lumabas na balita tungkol sa "regalo" para kay boss, na una nang isiniwalat ng mga witness laban kay Sanchez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Posibleng may kaugnayan sa malagim na sinapit ng dalawang UPLB students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez ang nangyari sa ilan sa kanilang mga schoolmates noong 1991.

Ito ay ayon mismo sa isa sa kanila na si Jesse Vera Acebes na nagpaunlak ng panayam sa Inquirer, sa panulat ni Neil Arwin Mercado.

Taong 1991 nang maganap ang 'di nito makakalimutang pangyayari sa kanya at ilan sa mga kaklase, dalawang taon bago maganap ang malagim na panggagahasa kay Eileen at pagpatay sa dalawang biktima.

Exam week noon at nagkayayaan na uminom ang magkakaklase sa isang malaking bakanteng lote na sikat noon bilang tambayan, sa labas lamang ng unibersidad malapit sa International Rice Research Institute (IRRI) na tinawag na "Panicles".

“Nung times ng 90s, 80s, wala namang mga bars sa LB (Los Banos). Ang bar pa lang nun, isa, dalawa. So kapag nagka-yayaan, [may baon lang na] isang cooler, ilang beer lang naman. Hindi naman talaga malaking inuman yan. Basta tambay lang nun,” ani Acebes sa panayam.

Bandang 8 p.m. nang dumating ang grupo ni Acebes sa Panicles, na 100 metro ang layo sa main road.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Kasisimula pa lamang daw nila nang isang owner-type jeep ang biglang dumating.

“Kadarating lang namin. Nobody was drunk. Nobody was even tipsy. Ang sasakyan niya is yung owner na jeep yung lowered, typical. May dumating, nagtataka kami bakit mayroong… akala namin pulis. Tapos pumarada siya na nakaharap yung headlights sa’min,” ani Acebes.

“Isa lang yung bumaba. Naka-fatigue [na outfit]. Mayroon siyang sidearm at mayroon siyang M-16. Medyo heavy set. Siyempre akala namin pulis so lumapit na yung isa sa amin. Yung nambobola pa, yung tipong: ‘Chief, sorry!’ Pero wala. He did not even give us any chance na mambola,” dagdag niya.

“Hindi! Atras ka diyan, tumayo kayo diyan. Kayo, babarilin ko kayo,” sabi pa raw ng lalaki ayon kay Acebes.

“Natakot kami. Nung sinabi nya yun, alam na namin na hindi ito pulis. Walang sinabi na violation. Nakatutok yung M-16, hindi naka-uniporme.”

Maya-maya pa, pinapila ng lalaking dumating ang grupo nila Acebes, sa kanyang kanan ang mga lalaki habang ang mga babae naman ay sa kaliwa.

“Kayo mga bagets kayo dito ha. Alam nyo ba kung anong gagawin ko dito sa mga babae na ito? Ire-regalo ko sa boss ko," ayon pa dito na hanggang ngayon raw ay naaalala pa ni Acebes.

Ngunit noon, hindi pa tukoy ang "boss" na sinasabi ng lalaki.

Sinubukan pa raw noon ni Acebes na kausapin ang lalaki ngunit itinutok raw ng lalaki ang M-16 nito sa kanyang dibdib.

“Kung mayroong magpaka-hero, iba ang sine sa real life. Baka mamaya buo ang loob ng isa tapos hindi buo ang loob ng lahat,” anito.

Samantala, isa pang lalaki ang nasa jeep at nag-signal na ito sa lalaking kaharap ng grupo na kailangan na nilang umalis.

Hindi ito nakita ng grupo at tanging kamay lamang ang nakita nila nang tawagin na nito ang kasama.

“Bumusina [yung lalaki sa loob ng sasakyan]. Hindi namin nakita. Sinignal-an lang siya with his hand. Hindi namin kita kasi the headlights were bright.

"Blinded kami so hindi talaga kita. Tin-ry na i-start yung sasakyan kaso hindi mag-start. Tinawag niya kami tapos tinulak namin [yung sasakyan],” ani Acebes.

Pagkaalis ng mga ito, mabilis na umalis na rin sila sa lugar dahil sa takot sa naganap.

Makalipas ang dalawang taon, nangyari ang karumal-dumal na panggagahasa at pagpatay kina Eileen at Allan.

Graduate na noon si Acebes at nabalitaan na lamang ito sa kanyang misis na sorority sister ni Eileen.

Habang pinapanood ito sa balita, naalala raw ni Acebes ang nangyari sa kanila noong 1991.

Naalala nito ang lalaking nakasuot ng uniporme ng militar at nakasaad sa namepatch nito ang: “R. Corcolon.”

Ito ang isa sa mga lalaking itinurong isa sa mga suspek noon at nakita ni Acebes sa balita na kasama ni Antonio Sanchez. Si Rogelio “Boy” Corcolon.

“None of that information (namepatch) mattered until naharap sa TV yung mga suspek which was a few years after….

"Nung pinresent as a suspect yung Corcolon brothers, I remember nasa bahay ako. I’m watching TV… tapos nung hinarap nakita yung magkapatid – si Boy Corcolon. Napatalon ako sa kama ko, sabi ko sa misis ko: ‘Eto yun, this is the one. This is the guy that harassed us,’” ani Acebes.

“Nanlamig ako. Kinilabutan ng husto. Wala akong gustong sabihin kundi: ‘That’s him,’” dagdag pa niya.

Naniniwala naman ito na posibleng hindi si Eileen at Allan ang unang biktima ng mga ito.

Matatandaang sinabi ng mga witness na si Eileen ay isang "regalo" para sa boss ng mga dumukot rito.

Kapareho ng sinabi sa kanila noong 1991 na gagawing "regalo" ng lalaking nakaengkwentro ang mga babaeng kasama nila.

“I believe Eileen and Allan were not the first. I believe his men are on the hunt for some time,” aniya.

Sinabi rin ni Acebes na personal niyang kilala ang dalawang biktima.

Ayon pa sa ulat, napag-alamang namatay na si Boy Corcolon sa kulungan habang pinagdudusahan ang sintensya nito.

Habang ang kapatid nito na si Luis Corcolon ay mahina na.

Para kay Acebes, hindi na nararapat pang makalaya si Sanchez.

“Hindi ko ma-imagine. It does not matter if he does it again or not. He has to pay for it. I really don’t care if he’s reformed. But there’s no such thing. He’s a psychopath,” anito.

Sa isa pang ulat ng , isa sa mga dating dorm mate ni Eileen naman ang nagbahagi ng kanyang alaala sa malagim na sinapit ng dalaga!

Ngunit hanggang sa kasalukuyan, naninindigan si Sanchez na wala siyang kasalanan at love traingle ang dahilan ng krimen, na una nang naibalita ng .

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms?

We are asking Filipino people what they think about a highly discussed issue in the country. Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone