Angel Locsin, hindi natuloy sa isang event sa General Santos City dahil sa health issue

Angel Locsin, hindi natuloy sa isang event sa General Santos City dahil sa health issue

- Humingi ng dispensa ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang mga fans

- Ito ay matapos hindi siya natuloy sa isang event sa General Santos City

- Ang naging dahilan ay dahil sa isyung pangkalusugan ng aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng dispensa si Angel Locsin sa mga taong umasang makikita siya sa isang event sa General Santos City. Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Angel ang kanyang medical certificate.

Base sa kanyang medical certificate na ibinahagi, nagkaroon siya ng parathoracic muscle strain at nahirapan siyang huminga.

Nakalagay din doon na kailangan niyang magpahinga ng tatlong araw.

Angel Locsin, hindi natuloy sa isang event sa General Santos dahil sa health issue

Angel Locsin, hindi natuloy sa isang event sa General Santos dahil sa health issue
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayunpaman, nangako ang aktres na babawi siya sa kanyang sunod pagpunta sa Gensan.

Maalalang unang nagkaroon ng problemang pangkalusugan ang aktres nang mahulog siya sa kabayo habang ginagawa ang isang pelikula. Simula noon ay naapektuhan na ang kalusugan niya at trabaho. Kinailangan niyang tanggihan ang ilang proyekto kagaya ng Darna dahil sa kanyang kondisyon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Samantala, naging usap-usapan ang cameo scene ni Angel sa Kadenang Ginto kamakailan.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ruru Madrid: What Was The Last Time You Said 'I Love You""? | HumanMeter

Playing Firsts and Lasts with famous Filipino actor and singer Ruru Madrid. Guess when was the last time he said "I love you" to someone. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel