Jimuel Pacquiao, napapabalitang gagawa ng pelikula sa Hollywood

Jimuel Pacquiao, napapabalitang gagawa ng pelikula sa Hollywood

- Nakatanggap diumano ng offer na gumawa ng Hollywood film ang isa sa mga anak ni Manny Pacquiao

- Hindi naman ito malayong mangyari dahil sa dami ng Hollywood personalities ang nakikilala ng kanyang ama

- Ngayon pa lang ay excited na ang pamilya Pacquiao para kay Jimuel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang offer diumano ang natanggap ni Jimuel Pacquiao upang gumawa ng isang Hollywood film. Ayon sa isang ulat ng Bandera.net sa panulat ni Ambet Nabus, malaki raw ang posibilidad na maging Hollywood star ang binata.

Ilan lamang sa kilalang Hollywood personalities na nakilala na ng kanyang ama ay sina Keanu Reeves, Mark Wahlberg at Sylvester Stallone. Kaya naman hindi malayong mangyari na makatanggap nga siya ng offer na gumawa ng Hollywood film.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa business manager ni Pacquiao na si Arnol Vegafria, si Jimuel mismo ang nakatanggap ng offer mula sa isang international producer.

Ang magiging shooting locations diumano ng pelikula na nakatakda nilang gawin ay sa Manila, Japan at US.

Naging laman na rin ng balitang showbiz ang anak ni Manny lalo na nang maging kasintahan nito ang aktres na si Heaven Peralejo. Sa naunang ulat ng KAMI, nilinaw ni Jimuel ang isyu tungkol sa diumano'y paggamit ni Heaven ng kanyang credit card noong sila ay magkarelasyon pa.

Si Jimuel Pacquiao ay ipinanganak sa Estados Unidos. Nais niyang maging boksingero kagaya ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When Was The Last Time You Said 'I Love You""? | HumanMeter

Playing Firsts and Lasts with famous Filipino actor and singer Ruru Madrid. Guess when was the last time he said "I love you" to someone. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel