Beauty Gonzalez, sinagot ang tanong tungkol kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

Beauty Gonzalez, sinagot ang tanong tungkol kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

- Naitanong sa Kapamilya star na si Beauty Gonzalez ang tungkol sa napapabalitang hiwalayan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

- Matatandaang nagkasama ang magkaibigang Ellen at Beauty sa Bangkok, Thailand noong pumutok ang balita

- Gayunpaman, ayon kay Beauty ay hindi nila papag-usapan ng kaibigan ang tungkol sa relasyon nila ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala diumanong alam si Beauty Gonzalez tungkol sa napapabalitang hiwalayan ng kaibigang si Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Matatandaang nagtungo sa Bangkok, Thailand si Ellen kasama si Beauty at kanilang mga anak kamakailan. Ito din ang panahon kung kailan pumutok ang balita tungkol hiwalayan nina JL at Ellen.

Ayon pa sa lumabas na balita, may sariling out-of-the-country trip ang aktor kasama ang mga kaibigan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Beauty na wala silang panahon na makapag-usap ni Ellen dahil wala siyang kasamang yaya para magbantay sa anak niya.

"Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan nila. Nu'ng nandu'n kami sa Bangkok, wala akong yaya, so wala kaming time na magtsikahan sa kakaalaga sa anak ko."

"Hindi ko talaga alam kung ano ang sitwasyon nila. Basta I wish them all the best," dagdag pa niya.

Naging abala din umano siya sa trabaho kaya hindi na niya nakakausap kahit ang aktor.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Si Beauty Gonzalez-Crisologo ay isang aktres mula sa Dumaguete City. Siya ay tinaguriang "Rebellious Beauty" nang sumali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan siya ay naging ika-4 na grand placer ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, binuking ni Beauty kung sino ang mas kamukha ng anak ni Ellen at John Lloyd.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When Was The Last Time You Said 'I Love You'? | HumanMeter

Playing Firsts and Lasts with famous Filipino actor and singer Ruru Madrid. Guess when was the last time he said "I love you" to someone. Check out Human Meter's exclusive one-on-one interview with this Kapuso hunk.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel